CHAPTER 22: Closure

303 10 2
                                    

[A/N] Dahil naputulan kami ng internet, walang magawa, bayaran nyo na lang internet namin :D Hahaha. Hinde, magsusulat ako :) Pag ganito, sunod sunod pagsusulat ko eh. Sunod sunod na chapters na to. Game?

--

JUSTIN POV

Oo ako nga. Oh teka teka teka! Wag nyo akong kuyugin PLEASE T_____T Di ko naman gustong saktan si Jelisze eh. Magkaiba naman kasi kami ng school. Lalake lang ako. Natetempt din.

Oo na. Mali ung ganun. Mali na ko. Nagsisisi na nga eh :( Kaya eto. Kakausapin ko sya. I WANT HER BACK.

JELISZE POV

Time ng MATH. College Algebra. MY FAVORITE ♥ Active na naman ako.

*zzz* Nagva’vibrate ako! Nagva’vibrate ako! (Oo nagsasalita talaga ung cellphone ko. Naka’vibrate lang yan kasi may klase)

*New message received*

Fr: +639*********

Babe?

Huh?

To: +639*********

Who’s this?

Fr: +639*********

Ang dali mo namang makalimot :( Usap tayo mamaya please? 5pm sa park. Alam kong kilala mo ako. Hintayin kita dun kahit anong mangyari. Saglit lang talaga. Last na to.

Wew. Si Justin ‘to for sure.

To: +639*********

Para saan pa? Kung akala mong babalikan pa kita, pwes nagkakamali ka. Wag ka ng magtext. Nagkaklase ako. Nakakasira ka ng pag’aaral ko. Srsly. Geh.

Wew. Nanggugulo na naman angwalaaaa! Bahala sya maghintay mamaya jan. Tubuan ka sana ng orchids kakahintay!

“Bat nagsasalubong na kilay mo?” Jill.

Si Jill Villaroel. Aerobics Crew yan! Buwag buwag na kasi ung sampung BFFs ko. Anim na lang kami. Pero di kami nag’away nu! Wala, nagkanya kanya lang. Haha. Hanu daw?! Basta kasi ung 4 nagsolo. Ung dalawa, BFF. Ung natirang dalawa, BFF din. Magkakasama kasi sila lagi. Gets? Kami na lang going strong :) Project kasi naming sa PE ung Aerobics. Kaming anim magkakagrupo. And POOF! It became AEROBICS CREW! Eh basta un ung kwento ng Aerobics Crew.

“Namiss kasi nila ang isa’t isa. Long distance relationship kasi ung left eyebrow at right eyebrow ko. Matagal na panahon silang nawalay sa isa’t isa. Kaya ayan magkadikit. Actually nagme’make love sila nyan.” Ako.

“Sira! Bakit nga? Nahihirapan ka ba sa pinapasagutan ni Ma’am? Kopya ka na lang sakin. Kala ko pa naman favorite mo to. Ako sana kokopya sayo.” Jill.

Ang bait naman talaga nito oh. “No thanks. Hindi naman jan eh. Kayang kaya kong sagutan ng nakapikit yan. Yung ex ko kasi. Nanggugulo na naman. Ang saya saya ko na nga kay Andrew sobra eh. Mag-usap daw kami mamayang 5pm. Eh baka makipagbalikan na naman sakin un.” Ako.

“Eh ano naman ngayon kung makipagbalikan? Papayag ka ba? Na sayo naman ang desisyon ah. Ano un, pag sinabi ba nyang makipagbalikan ka, kayo na agad? Syempre may approval mo pa di ba. Parang “contract” lang yan eh. Kelangan muna approved ng both debtor and creditor bago mapursue ung obligation. Gets mo? Saka mag’uusap lang pala eh. Ipakita mo sa kanya na masayang masaya ka na wala na sya. Don’t tell me mahal mo pa yun kaya ayaw mo makipag’usap?” Jill.

Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon