CHAPTER 30: Face-off?

305 11 4
                                    

[A/N] Angela Marie Carmela, *walang middle name* Rarugal, ikaw ang inspirasyon ko dito kaya I dedicate this chapter for you :)

--

JELISZE POV

Ang tagal naman mag uwian nila Carmie! Inuugat na ko dito oh! Nagiging taong puno na ko. Konti na lang magtatransform na ko bilang Taguro at lalabanan si Eugene sa Ghost Fighter.

15 minutes na kaya akong naghihintay! Parang napakatagal ng 15 minutes eh no? Eh ayoko kasi ng pinaghihintay ako. Chix ako eh.

Hayy.. Aantayin ko na nga. Malapit na siguro sila idismiss. Mga 10 years na lang siguro. Sino ba kasing may sabing hintayin sya? Errrr! Sabik na sabik na kasi akong makita, mayakap, mahawakan, mahagkan, mahaplos, mahimas  si Dylan. Ay si Carmie pala. Anubeyyy!

Namiss nyo ba ko? Hehe. Nagpapamiss kasi ako. Chix nga ako di ba? Haha.

Alam nyo ba kung ano nangyari sakin these past few days?

Malamang di nyo alam. Di ko pa sinasabi eh.

So eto, sasabihin ko na. Kekwentuhan ko na lang kayo. Ok? Matagal pa naman si Carmie eh. Mga centuries pa yun.

Dear Ate Charo…

Magandang…

mukha ko po. Sumulat ako…

dahil may ballpen ako.

Di na ako magpapaligoy ligoy pa…

Yun lang po. Paalam.

May sense right? Haha. Eto na talaga! Magkekwento na me. Kukuyugin na ako ng mga readers eh.

HINDI NA KAMI…

 HINDI NA KAMI NAGKIKITA NI ANDREW :’(

Oo, di na nga kami nagkikita. Anong date na ba ngayon? Hmm… Mga 2 weeks na kaming di nagkikita. 2 weeks na din kaming walang communication.

--

FLASHBACK..

Fr: Andrew

Yam, unli tayo mamayang gabi ha. Mamaya na tayo magtext. Aral ka muna jan. I love you!

Kinagabihan…

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area… Please try your call later...

Litsiiiiiiiii! Pang labingsiyam na dial ko na to ha! Last call na to. Pag ito wala pa, ibabato ko na tong cellphone >.<

Dial…

Dial…

Dial…

*silence*

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area… Please try your call later...

Arrrrgggghhhh!

Ibabato ko na sana cellphone ko kaso…

*boooooooooog*

ARAYYYYYYYYYYY!!

Sinuntok ako sa mukha ng cellphone ko T________T Hayy.. Oo nga pala. May pagka’engkanto mga gamit ko. May feelings sila.

“Bat mo ko sinuntok?! Anong karapatan mo?! Wala na nga akong ilong eh! Sana sinampal mo na lang ako!” Ako.

“Anong karapatan ko? Baka anong karapatan mo! Anong karapatan mong itapon ako? Matapos mo kong gamitin ng mahabang panahon, itatapon mo na lang ako basta basta? Matapos mong malaspag ung katawan ko kaka’dial mo ng 20 times! MANGGAGAMIT!” Cellphone.

Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon