Chapter 1

5.3K 124 8
                                    

Chapter 1: PH

"Saeng-il Chukkahamnida! Unnie!" pagbati sa akin ng 'Happy Birthday' sa banyagang lenggwahe ng nakababata kong kapatid.

"Thank you Izzy!" sagot ko kanya habang nakangiti sa harap ng laptop.

Sa video call lang kasi kami nag-uusap ngayon dahil nasa Korea siya kasama ang grandparents namin.

Doon na din kasi siya ipinanganak at doon na din siya nag-aaral. Sila Lolo at Lola ang nag-aalaga sa kanya. Kaya ako lang si Mama at si Papa ang nandito sa Pilipinas. Hindi naman kasi ako pwedeng pumunta ng Korea dahil sa kalagayan ko.

"Miss na miss ka na ni Ate"

"I miss you too Noona. Sabi nila Halmeoni at Harabeoji next month pa daw ang uwi namin diyan sa Pilipinas." malungkot na sabi niya habang nakanguso.

"Yan nga din ang sabi sakin nila Mama. Pero wag kang malungkot kasi nalulungkot din si Ate." pag-alo ko sa kanya "Hayaan mo pag-uwi mo magbobonding tayo ng bongga."

Nagliwanag naman ang mukha ng 'twelve year old' kong kapatid nang marinig niya ang sinabi ko.

"Talaga Noona?!"

"Oo naman. Sasabihin ko kay Mama na pumunta tayong Encantadia Kingdom pag-uwi mo." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Wow! San ba yang Encantadia Kingdom na yan Noona? Maganda ba don?"

"Yung sa Laguna. Di ba nagfieldtrip na kayo dun dati? Ikaw pa nga nagsabi na maganda don e." sagot ko sa kanya.

Noong nagfieldtrip kasi sila nung Grade Six siya naikwento niya sa akin na maganda daw dun sa pinuntahan nila at sana sa susunod daw na magpunta siya dun magkasama na kaming mag-ate.

Napahagakhak naman siya sa tawa at napahawak sa kanyang tiyan kasabay ng pamumula ng dalawa niyang matatambok na pisngi.

"Enchanted Kingdom yun Noona hindi Encantadia." sambit niya at saka ipinagpatuloy ang pagtawa.

'Ay iba na?' Di man lang ako ininform ni Dora. Si Dora kasi ang pinakagala sa mga kaibigan ko kaya imposibleng hindi niya alam iyon. Mapektusan nga yung babaeng yun pagpasok ko sa Lunes. Napahiya tuloy ako sa kapatid ko hmp.

"O sya, babye na. Papakainin ko pa si Joey, Marky saka si Dee Dee." pagpapaalam ko sa kapatid ko.

Naalala ko kasing oras na pala para pakainin ko ang tatlo kong alaga.

"Arasseo Noona, tatawag na lang ulit ako mamaya. Annyeong!" sagot niya at iwinagayway sa ere ang dalawa niyang kamay bilang pamamaalam.

Pagkatapos nun ay inend ko na ang call. Tumayo na ako mula sa pagkakadapa ko dito sa kama at saka ako naglakad patungo sa aquarium tank kung saan naroon ang tatlo kong alaga.

"Good Morning Marky! Joey! at Dee Dee!" masiglang bati ko sa mga alaga ko."Nagugutom na ba kayo? Wag kayong mag-alala papakainin na kayo ni Mommy."

Kinuha ko ang piraso ng tinapay na nasa gilid ng aquarium nila at saka ko ito pinira-piraso bago ko ito ilagay sa aquarium nila.

Pagkayari kong pakainin ang mga alaga ko ay naisipan ko nang bumaba. Nasa second floor kasi ng bahay namin ang bedroom ko. Pero bago ako bumaba ay pinatay ko muna ang heater ng kwarto. Oo, may heater ang kwarto ko. Bawal kasi akong makaramdam ng ano mang uri ng lamig sa katawan kaya tuwing gabi ay binubuksan ko ang heater sa loob ng kwarto.

Pagkababa ko ay bumungad sa akin si Mama na nasa kusina na at nagaayos na ng breakfast.

"Good Morning Winzy!" bati sa akin ni Mama.
Masigla akong ngumiti at saka ko siya binati

The Girl Who is Allergic to ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon