Chapter 5

2.3K 70 14
                                    

Chapter 5: SMS

"I'm your Personal Heater, Maria,"

Mga salitang bahagyang nagpawala sa akin sa katinuan ng panandalian. Hindi ko napansing napatulala na lamang ako sa sinabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin sa mga salitang binitawan niyang iyon? Siya ba ang magpapainit sa mga malalamig kong gabi?

'Hay naku Maria- este Winzy, nakikini-kinita ko nang malapit ka na talagang magkalovelife.'

Kaunting kembot pa at natitiyak kong matitiwalag na ko sa pederasyon ng mga NBSB. No Boobs Since Birth.

Napabalik lang ako sa katinuan ng marinig ko ulit na magsalita si Baymax na kaharap ko pa din ngayon, "Maria, are you okay?"

Maria, sa tuwing maririnig ko ang dati kong pangalan na iyon mula sa mga labi niya, pakiramdam ko ay napakainosente at yumi kong babae, na totoo naman talaga. Inosente kaya ako, sa sobrang inosente ko nga ay hindi ko pa nababasa ang Fifty Shades Trilogy. Promise hindi pa talaga. Napanood ko palang.

"Okay lang ako. Naalala ko lang si Christian Grey saka si Anastasia Steele." pagsagot ko sa kanya.

"Who are they?" tanong niya. Bakit ba english siya ng english? Buti na lang talaga malaking tulong ang malaking english dictionary na bigay ni Ela kaya naiintindihan ko siya.

Saka ko lang narealize ang mga sinabi ko sa kanya. Bakit ko nga ba nasabi yun? Kung saan-saan kasi ako dinala ng pag-iisip ko nang dahil sa mga sinabi niya.

"A-Ah mga bida yun sa pinapanood kong cartoons," pagdadahilan ko sa kanya.

"Ah, okay." pagtugon niya. Buti na lang at naniwala siya sa sinabi ko.

Pagkatapos nun ay binalot na ng katahimikan ang buong paligid. Medyo akward tuloy. Sa totoo lang ay napakarami ko pang gustong itanong at sabihin sa kanya. Pero pinipigilan ko lang ang sarili kong magsalita. Hindi dahil sa bad breath ako. Kundi dahil sa pakiramdam ko ay feel niya ang magemote ngayon.

Hindi ko man makita ang mga mata niya ramdam na ramdam ko ang lungkot na bumabalot sa kanya. May problema kaya siya? Marahil iniisip niya lang ang ekonomiya ng Pilipinas at ang pakikipag-agawan ng China sa Spratlys Island.

"It's getting late baka hinahanap ka na sa inyo," pagbasag niya sa katahimikan. Mukhang malalim na nga ang gabi. Baka maging delikado pa sa akin kapag nanatili pa ako ng matagal dito sa labas.

"Oo nga pala, mukhang kailangan ko ng umuwi," saad ko sa kanya habang napakamot sa aking ulo. Nanghihinayang ako at gusto ko pa sana siyang makausap ng matagal. Pero kailangan ko na ding umuwi at mukhang wala din naman siya sa mood na makipag-usap sa kahit kanino. Marami pa namang pagkakataon, di bale na lang.

"Ihahatid na kita," saad niya na medyo nagpakilig sa akin. Medyo lang. De nemen mesyede, ahii.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa alok niya. Sino ba naman ako para tumangging ihatid niya di ba? Grasya na yan tatanggihan ko pa ba. Ikaw ba naman ang alukin ng long time crush mo na ihatid ka sa bahay, makakatanggi ka pa ba?

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya at nagsimula na kaming maglakad patungo sa bahay na di naman kalayuan mula dito sa park. Magkapantay lang kami habang naglalakad. Nasa bandang kaliwa ko siya. Habang naglalakad kaming dalawa ay palihim akong sumusulyap sa kanya.

Ano na kayang itsura niya ngayon? Sa totoo lang ay gusto kong makita ang mukha niya. Bata pa lang kasi kami ng huli kaming magkita. Gusto kong malaman kung gaano na kalaki ang pinagbago ng itsura niya. Pero dahil sa hood na suot niya, natatakpan nito ang bahagi ng mukha niya.

The Girl Who is Allergic to ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon