Chapter 11

1.5K 55 9
                                    

Chapter 11: My Pets

Awkward. Salitang makapagdedepina ng sitwasyon namin ngayon. Pinagsisisihan ko na ang kapilyahang ginawa ko.

'Karma is really a bitch.'

Kung hindi ko sana sinadyang apakan ang paa niya ay wala kami sa ganitong posisyon ngayon. Hindi ko sana nararamdaman ang isang pamilyar na pakiramdam ngayon. Teka. Pamilyar na pakiramdam. Ano nga ba itong pamilyar na pakiramdam na nararamdaman ko?

Naramdaman ko na ito dati. Ang pakiramdam na may hinahawakan kang bagay na malambot and then starting to grow and—

SHIT! Don't tell me—?

Oh No. Not again.

Nanlalaki ang mga mata kong itinungo ang aking tingin sa kung saan nakadapo ang pangahas kong kamay. Nang mapagtanto kong tama ako ay mabilis pa sa alas kwatro akong nakatayo at patay malisyang nagpagpag kunwari ng aking katawan. Bakit ba lagi na lang dumadapo doon ang inosente kong kamay?

May 'magnetic field' ba sa part ng katawan niya na iyon?

Bakit? Bakit? Bakit?

Ang daming ibang pwedeng mahawakan. Bakit doon pa?

Ilang sandali pa ay nakatayo na din si Alab. At sa puntong to alam kong mariin at matalim siyang nakatitig sa akin. Nakalapit na din ang iba pa naming kasama sa amin.

"WINZY OKAY KA LANG BA?!" sabay-sabay na sabi ng apat na kaibigan kong nag-aalala. Pagdating dito sa eskwelahan ay silang apat ang guardian angels ko. They make sure na walang masamang mangyayari sakin.

Umayos ako ng tayo at saka sila nginitian, "Ayos lang."

Nang tapunan ko ng tingin ang lalaking matalim na nakatitig sa akin ay pansin ko ang pagtitiim ng kanyang bagang. He's really pissed off. No let me correct. He's angry.

Matapang kong sinalubong ang mata titig niya, "O, bakit ganyan ka makatitig?" patay malisyang tanong ko kahit alam ko naman ang dahilan.

Pasensya siya. Kung ako siguro ang Winzy kahapon ay nangangatog na ang tuhod ko ngayon dahil sa matatalim niyang titig sa akin. But people change. Namaster ko na ata ang art ng pagpapatay malisya.

Plus the fact na mas nangingibabaw na ang inis ko sa kanya kesa sa kahihiyan na ibinaon ko na sa limot. Posible pala talagang in just one snap. Maiinis ka na lang sa isang tao.

Ibinaling niya ang ulo niya patagilid at nagtapon ng isang mapait na ngisi. "You're unbelivable" usal niya at saka muli akong matalim na tinitigan.

"You'll pay for this."

Pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon ay naglakad na siya palayo. Habang ako ay pilit pa rin inaabsorb ng utak ko ang sinabi niya. Dapat na ba akong matakot?

Hinawakan ni Ela ang braso ko, "Winzy what you do to Alab to make him galet-galet ha?" tanong niya sakin.

"OO NGA WINZY. ANO BANG NANGYARI AT GANUN NA LANG ANG GALIT NI ALAB MYLABS?" pagdagdag pa ni Emcee na ang hilig magsecond the notion. Hindi na ako magtataka kapag sinabi niyang anak siya ng baka.

"Ewan ko dun." maang maangan ko.

"Ano Winzy, itutumba ko na ba?" seryosong tanong sakin ni Ari. Seryoso ba talaga siya.

"S-Sino?" utal na tanong ko. Kinakabahan na ko para sa kaibigan kong to.

Mabilis naman niyang inginuso ang kaibigan naming anak ng baka, "Etong babaeng to. Ang sakit na sa tenga e." sagot niya na nakapagpaluwag ng hininga ko.

The Girl Who is Allergic to ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon