Chapter 13: Safe
After a few months— I mean after few minutes ay andito pa din ako sa loob ng isang cubicle sa Females Comfort Room at nakaupo sa isang inidoro.
Huminto na ang mga mata ko sa pag-iyak pero nananatili pa din ang hapdi at sakit na nararamdaman ko sa aking mukha hanggang sa aking leeg.
Mababakas pa din ang pamumula sa aking balat pero nawala na ang pamamaga nito. Kanina kasi ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko habang nakatitig sa maliit na salamin.
Masyadong mabilis ang pangyayari. I'm still in the state of shock. Buti na lang talaga at walang nakapansin sa akin ng pumasok ako dito. Salamat talaga sa suot kong hoodie jacket at sa aking buhok.
Iniisip ko ngayon kung paano ako makakalabas sa cubicle na to ng walang makakapansin sa akin. Tiyak na pandidirihan at kukutyahin nila ang itsura ko sa oras na makita nila akong ganito.
Nakakatawang isipin pero my three babies and I have similarities.
As soon as people see us, disgust will surely fill their faces.
It's an undeniable fact that it's part of our human nature to act differently to things that are disparate to what our eyes usually see.
Naranasan ko na iyon few years ago. Ang kutyahin at pandirihan. Isa sa mga pangyayari sa buhay kong hindi ko malilimutan pilitin ko mang ibaon sa limot. Napapikit na lang ako at iniling -iling ang aking ulo. Ayoko ng alalahanin pa ang pangyayaring iyon.
Marami akong sikretong hindi na dapat pang malaman ng iba at gaya ng pangyayaring iyon ang mga nakakakalam lamang ng tungkol sa allergy ko ay ang aking pamilya, direktor at doktor ng MAC U at si—
Naputol na lamang ang pag-iisip ko ng may kakaibang boses narinig ang aking mga tainga.
"Wiiiiiinzyyyy..." isang mahina at nakakatakot na boses mula sa kabilang panig ng pintuan ng cubicle ang umagaw sa atensyon ko.
Nagtindigan ang lahat ng mga balahibo ko sa kilabot dahil sa boses na aking narinig.
'Papa God, Help Me!' utas ko sa sarili kong isipan habang nakapikit at magkalapat ang dalawa kong palad. Kapag talaga may problema ako ay siya ang una kong hinihingan ng tulong thru my prayers. Napadasal tuloy ako ng wala sa oras. I've suffered too much for today. Bakit kasi kailangang ngayon pa ako multuhin?
Ilang sandali pa ay nasundan muli ang pagtawag sa akin ng nakakakilabot na boses na iyon. Boses na animo'y galing sa isang multong napaos dahil inumaga sa videokehan.
"Winzy..." ani muli nito
Puno man ng takot ay lakas loob ko pa din itong sinagot, "K-Kung sino ka mang n-nagmumulto ka, pwede bang next time na lang please? H-Hindi ko kering magpamulto ngayon. P-Please... not now." medyo utal kong pagkakasabi dahil sa takot.
Hindi pa ako nakakakita ng multo sa tanang buhay ko at kahit minsan ay di ko gugustuhin pang makakakita nito. Ngayon lang din ako nakaranas ng ganitong pagpaparamdam. Ano bang meron nitong mga nakaraang araw at sobrang lapitin ako ng malas? huhu
"Bhe si Ari to..." sagot nito sa akin. Ari? hindi naman ganyan ang boses ni Ari. Wag mo akong linlangin.
"Hindi mo ko maloloko. Hindi ganyan ang boses ni Ari." matigas na sagot ko dito. Never ko talaga inexpect na mararanasan kong makipagconverse sa isang multo. Matatawag ko na ba itong achievement? charot.
"Bhe ako talaga to. Si Ari to." pagpupumilit na sabi nito na may paos pa ding boses.
"Weh di nga?" paniniwalaan ko na ba ang sinasabi ng multong to? kawawa naman kasi siya. Hirap na hirap nang magsalita.

BINABASA MO ANG
The Girl Who is Allergic to Cold
Teen FictionBabaeng Allergic sa lamig, meron ba nun? Yes, you read it right. The title says it all. Isang Winter Breeze Nieves lang naman ang tinutukoy na babaeng allergic sa lamig. When the temperature drops, her body reacts. Dinadapuan agad siya ng ubo, sipon...