A/N: So, dahil nirequest ni Winzy na bigyan ko ng sariling POV ang Mama niya. Dahil mabait ako ay pinagbigyan ko siya. Enjoy reading guys. Feel free to vote and comment. Huwag mahihiya, joke haha.
ESMI'S NOTE: Bago ang lahat gusto ko palang magpasalamat kay Author dahil nagpauto siya sa sinabi ng anak kong si Winzy na bigyan ako ng sarili kong POV. Thank you talaga Author. Kaya tayo nasasaktan e. Ang hilig nating magpauto.
~•*•~ESMI
Kasulukuyan ako ngayong nanunod ng paborito kong palabas na Sofia the first. Idol ko talaga si Sofia. Muntik ko na ngang pangalananag Sofia ang anak kong si Winzy. Ayaw lang pumayag ng gwapo kong asawang si Walter. Ang papa ni Winzy.
Nasa Palawan ngayon ang asawa kong si Walter hindi dahil may business trip siya na siyang idinahilan ko kay Winzy. Nasa Palawan siya para hanapin ang isang kilalang doktor dito sa Pilipinas na nagpakadalubhasa sa larangan ng medisina at may malawak na kaalaman ukol sa mga Allergy.
Hanggang ngayon ay umaasa kaming magkakaroon ng lunas ang sakit niya. We want her to have a normal life.
Kaya kung tatanungin niyo pala kung sinong kasama ko ngayon sa bahay. Ang anak kong si Winzy lang ang kasama ko na kasalukuyan nang natutulog sa kanyang kwarto. Pero di yun totoo. Malamang nagbabasa na naman yung batang yun. Ang akala niya siguro hindi ko alam na nagpapakapuyat siya sa pagbabasa ng tinatawag nilang wattpad. Neknek niya no!.
Minsan nga papuslit akong sumisilip sa kwarto niya para tignan kung tulog na siya. Pero ang magaling kong anak. Hayun at kaharap na naman ang selfon niya at nagbabasa. Tapos kapag napansing papasok ako sa kwarto niya bigla na lang magtutulug-tulugan. Kagaleng lang.
Mga kabataan talaga ngayon ang hilig sa wattpad. Ano bang napapala niyo diyan?
E papaasahin lang naman kayo niyan sa mga bagay na di totoo at kailanman ay hindi magiging totoo. Ang hard ko ba?
Pagpasensyahan niyo na ang Mama Esmi niyo. Pero minsan kasi kailangan nating ipamukha at ipangalandakan ang katotoohanan para lang matauhan tayo sa kahibangan natin.
Pero buhay niyo yan. Kaya do what makes you happy mga anak.
Medyo may kalaliman na ang gabi nang matapos ang huling episode ng pinapanuod kong Sofia the First. Pero bago ako matulog ay umakyat muna ako sa kwarto ni Winzy na nakagawian ko na. Palagi kong chinecheck ang kanyang pagtulog. Loka-loka man ang anak kong yan. Pero mahal na mahal ko yan.
She's my princess. A gift that God sent to us. A blessing.
Pati na din ang kapatid niyang si Izzy na nasa Korea ngayon kasama ang Lolo at Lola niya. Minabuti na rin namin na dun na pag-aralin ang bunso naming anak na si Izzy para mas maalagaan namin ang ate niyang mas nakakailangan ngayon ng kaukulang atensyon. Alam kong naiintindihan naman iyon ni Izzy kahit bata pa lang siya. Mahal na mahal din niya ang ate niya.
Marahan akong naglakad patungo sa kanyang kwarto. Nasa dulong bahagi ng hallway sa second floor ang Master's Bedroom na kwarto namin ng asawa ko. Samantalang ang kwarto naman ni Winzy ay malapit sa bukana ng hagdan.
Nang marating ko ang kanyang kwarto ay marahan kong pinihit ang pintuan at bahagya itong binuksan. Sisilipin ko muna kung natutulog na ba siya o nagbabasa na naman. Pero laking gulat ko ng makita ko siyang tulog na at mukhang nananaginip pa. Aba himala ata.
Tuluyan ko nang binuksan ang pintuan ng kanyang silid at marahang naglakad papalapit sa kanya. Mainit sa kwarto ni Winzy dahil nakabukas ang heater ng kanyang kwarto kapag gabi. Kung normal na tao siguro ay hindi makakatagal sa ganito kaalinsangan na paligid. Ngunit iba ang anak kong si Winzy. Kaya niyang makatagal sa ganito kaalinsangan. Hindi din siya pinagpapawisan.
Napansin ko namang nakakunot ang kanyang noo nang malapitan ko na siya. Pansin ko din ang mga tumutulong luha mula sa kanyang mga nakasarang mata.
"Tep-Tep..." usal niya habang nakakunot ang noo at nakapikit ang mga mata.
Hindi ko mapigilang maawa sa aking anak. Umupo ako sa tabi niya at hinawi ang mga hibla ng buhok na humaharang sa kanyang noo. Bahagya kong iniyuko ang aking katawan at hinalikan ang kanyang nakakunot na noo. Pansin kong nawala na ang pagkakunot nito ng gawin ko ito. Kahit noong bata pa lamang siya at nanaginip siya ng isang masamang panaginip ay ganito na ang aking ginagawa para makatulog siya ng mahimbing.
My precious daughter. Her painful memories of the past must be haunting her again. She even tainted her own memories without even knowing.
Marahil ay epekto ito ng pagkikita nilang muli ni Cynthia. Inasahan ko na ito. At alam kong darating ang panahon na kailangan niya ng harapin ang nangyari sa nakaraan.
Her sealed memories will soon be unleashed gradually from its deep sealing...
~•*•~
A/N: Asahan niyo na ang mga pasingit na Special Chapters gaya nito. Dun ko din ilalagay ang ibang POV's ng iba pang character. Nagustuhan niyo ba tong Special Chapt.?
I'll update Chapter 5 today or tomorrow. Abangers lang tayo. Salamat :).
![](https://img.wattpad.com/cover/143038869-288-k449706.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl Who is Allergic to Cold
Teen FictionBabaeng Allergic sa lamig, meron ba nun? Yes, you read it right. The title says it all. Isang Winter Breeze Nieves lang naman ang tinutukoy na babaeng allergic sa lamig. When the temperature drops, her body reacts. Dinadapuan agad siya ng ubo, sipon...