Chapter 3: Childhood
Habang naglalakad siya patungo sa direksyon ko ay nananatiling nakakunot ang noo niya at nakatitig pa din sa gawi namin.
'Sa akin ba talaga siya nakatingin? O assuming lang ako?.'
Mabilis kong inalis ang pagkakatitig ko sa kanya at itinuon ang paningin sa pagkaing nasa harap ko.
Kasalukuyan na akong nagdadasal ngayon sa lahat ng pwede kong dasalan. Pati yata ang mabahong medyas ni Papa ay dinasalan ko na.
Feeling ko namumuo na ang mga butil-butil na pawis sa noo ko. Pero feeling ko lang pala. Hindi nga pala pinagpapawisan ang isang Winter Breeze Nieves.
Kahit na magpagod ako at magsuot ng makakapal na damit sa katirikan ng araw ay hindi ako pinagpapawisan at hindi rin ako naiinitan. Bakit? Ie-explain daw ni dok sa mga susunod na chapters.
Napahigpit na ang kapit ko sa hawak kong kutsara't tinidor sa sobrang kaba. Juice na colored eto na ba ang katapusan ko? Pakiramdam ko anu mang oras ay magiging abo na ako sa mga titig niyang iyun.
'His stares seems like laser beams that will incinerate me any time soon.'
O english na naman yan ha. Hindi ko inakalang magagamit ko pala ang malaki at makapal na english dictionary na regalo sa akin ni Ela.
Kinakabahan na talaga ako ng sobra. Hindi maaari to. Pangalawang buhay ko na kaya to. Kawawa naman ang mga asawa kong fictional charactesr kapag nawala na ako sa mundong earth. Paano na lang ang mga mister kong sina Montefalco, Enrile, Craige, Del Valle, Lopez, Pereseo, Zapanta, Vergara, Wolkzbin, Storm, Vargas, and the list go on.
Mauulila din ang mga babies kong sina Marky, Joey at Dee-dee kawawa naman sila. At higit sa lahat hindi pa ko ready na iwan ang love of my life na si Taehyung. Oppa Saranghae *insert finger hearteu sign here*.
Para naman akong nabunutan ng isang malaking dagok sa dibdib kong matambok nang lagpasan lamang niya ako. Akala ko talaga katapusan ko na. At akala ko lang din pala na may dibdib ako, wala pala.
Mukhang naging effective naman ang pagdarasal ko sa mabahong medyas ni Papa at nagtututong na panty ni Mama. I love you Mama, Papa, peace.
Bahagya kong nilingon ang bandang likuran ko para tignan kung saan siya nagtungo. May mga kasama na siya ngayon na sa tingin ko ay mga miyembro ng basketball team at kasalukuyan silang nag-aasaran. Rinig na rinig ko pa ang pinaguusapan nila mula dito sa kinauupuan ko.
"Oy Alab Boy, bakit parang badtrip ka ata," rinig kong sabi ng isa nilang kasama. Bale lima silang magkakasama ngayon.
"Oo nga pre. Daig mo pa pinagsakluban ng langit at lupa ah," pagsang-ayon ng isa
"Siguro, binasted ka ng nililigawan mo no?" pangaasar ng isa pang kasama nila
"Huwag nga kayong ano dyan. Alam naman nating loyal si Alab sa childhood love niya. Ano na nga ulit pangalan nun. Atheesa ba o Alyssa?" saad naman ng pangapat sa kanila
![](https://img.wattpad.com/cover/143038869-288-k449706.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl Who is Allergic to Cold
Teen FictionBabaeng Allergic sa lamig, meron ba nun? Yes, you read it right. The title says it all. Isang Winter Breeze Nieves lang naman ang tinutukoy na babaeng allergic sa lamig. When the temperature drops, her body reacts. Dinadapuan agad siya ng ubo, sipon...