Prologue
Girl with Cold Allergy? Does she exist?
Yes, I exist. Sa bilyon-bilyong tao sa mundong earth ay ako lang naman ang biniyayaan ng ganung allergy.
Isang allergy na naging dahilan kung bakit maraming bagay ang hindi ko pa nararanasan. Gaya ng lumabas ng gabi, uminom ng malamig na tubig, maligo sa ulan, magswimming, maexperience ang tinatawag na air conditioning at marami pang bagay na may kauganayan sa lamig.
Ang OA ng sakit ko di ba? OA pero nakamamatay. Maliban sa ubo, sipon at rashes na nakukuha ko sa simpleng lamig ay maaari ko din itong ikamatay depende sa antas ng lamig na tinanggap ng aking katawan. Allergy lang naman pero ng dahil sa sakit kong to malaking bahagi ng buhay ko ang naapektuhan.
Pero lahat ng iyan ay nagbago nang makilala ko siya. Siya na hindi ko inakalang magiging isang malaking bahagi pala ng buhay ko.
I didn't live like a normal person but I was loved like one.
.
.
."I am sick and he's my cure." Landee!
BINABASA MO ANG
The Girl Who is Allergic to Cold
Roman pour AdolescentsBabaeng Allergic sa lamig, meron ba nun? Yes, you read it right. The title says it all. Isang Winter Breeze Nieves lang naman ang tinutukoy na babaeng allergic sa lamig. When the temperature drops, her body reacts. Dinadapuan agad siya ng ubo, sipon...