Chapter Three

53 4 0
                                    

Pangatlong araw namin ngayon sa Palawan at andito kami ngayon sa cottage nagbibreakfast. Coffee and sandwich lang ang inorder ko habang tong mga kasama ko nagrice sila.

Ring ng ring tong cellphone ko. Ayoko pa man din sanang sagutin pero parang emergency kasi kanina pang ring ng ring. Pagtingin ko kung sino ang tumatawag si mommy pala.

Hello mie. musta po?

Anak pwede bang umuwi kana?

Bakit po? kinakabahang tanong ko.

Garalgal at tuluyan ng umiyak ang mommy nya. Anak ang daddy mo dinala namin ngayon sa hospital dahil nagkamild stroke sya.

Tuluyan na akong hindi nakapagsalita at hindi ko na naintindihan yong mga iba pang sinasabi ng mommy sa kabilang linya. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko at naintindihan naman nila ang nangyari.

Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko habang nag uunahan pumatak ang mga luha ko. Nag check out ako ng hotel at nagparebook ng flight.

Narating ko ang airport na wala ako sa sarili ko sa sobrang pag aalala sa daddy ko. Mayat maya ako nagdadasal para ilayo sa kung ano mang kapahamakan ang daddy ko.

Boarding na namin non, nong mapansin kong may lalaking nakatingin sa akin na familiar pero hindi ko lang alam kung saan ko sya nakita. Nagring ulit ang cellphone ko.

Hello Mi, musta po c daddy?

Anak andito kami ngayon sa heart station kailangan daw ECG ang daddy mo.

Mi tibayan nyo po loob nyo. Huwag nyo pong ipakita kay daddy na mahina po kayo para hindi lalo mag alala.

Ok anak. At tuluyang naputol ang linya.

2 pm na nang makalapag kami dito sa Naia International Airport. Paglabas ko may nakita agad akong taxi na nakahinto pero naunahan ako sa pagsakay. Sumakay pa din ako.

Ms nauna akong sumakay dito.

Nagmamadali kasi ako mister kaya please paunahin mo na ako. Total lalaki ka naman baka pwede ka ng mag give way. Kuha nalang po kayo ng ibang taxi.

What? are you crazy? I'm in a hurry too!.

Mister, I dont care ok? Manong abante mo na, habang naguguluhan ang mamang driver.

How about sabay na tayo? suggestion ng lalaki. Makati ako miss.

Sakto, Makati din ako. Saka palang umandar ang taxi.

Parehas kaming tahimik sa loob ng taxi at nahuhuli ko syang nagnanakaw tingin paminsan minsan na parang may gusto syang sabihin. Tumingin ako sa kanya ng lihim at bigla kong naalala na sya yong nasa airport na tingin ng tingin. Pilit ko syang inaalala dahil familiar talaga sya sa akin.

Hanggang sa makarating na ako sa Makati med. Sa kamamadali kong bumaba nakalimutan kong iwan ang share ko na bayad ng taxi. Huli na nong maalala ko dahil malayo na ang taxi.

Nanginginig na binuksan ko ang room ng daddy ko at nakita kong tulog na tulog sya habang nagrorosaryo si mommy.

Anak mabuti at andito kana kasi hindi ko alam ang gagawin kung may masamang mangyari sa daddy mo.

Yumakap ako kay mommy bilang pangsupporta. Mahal na mahal ko sila ni daddy at hindi ko kayang mawala sila. Dinamayan ko si mommy hanggang sa magising si daddy.

Ija, andito kana pala? Hindi ka tuloy nakapagbakasyon ng maayos. Sinabihan ko naman ang mommy mo na huwag ng ipaalam sayo dahil wala lang to.

Dad, kahit simpleng lagnat lang yan o kahit na anong kondisyon basta tungkol sa health nyo karapatan kong malaman ok?

Tumango nalang ang daddy ko.

HEART BREAK (agnusdei)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon