Chapter Ten

38 3 0
                                    

Hindi mapakali at pabalik-balik sa paglalakad si John sa labas ng operating room. Kinailangan kasing operahan si Mishka para maalis ang bala ng baril na nakabaon sa kanya.

"Diyos ko, huwag nyo naman hayaang mawala si Mishka sa akin. Iligtas nyo po sana sya sa kapahamakan."

Naalimpungatan ako nang may biglang tumapik sa balikat ko at hindi ko namalayang naka-idlip na pala ako.

"Sir kayo po ba ang kamag anak ni ma'am Mishka Cordova? tanong ng nurse.

"Oo kumusta ang lagay nya?"

"Si doc nalang po ang magpapaliwanag about sa condition nya. Paki antay nalang po at palabas na din po sya."

Hindi nagtagal at lumabas na ang doctor na nakasuot pa ng mask.

"kumusta po doc ang lagay ni ms. Cordova?"

"Ligtas na sya, maswerte sya dahil hindi tumama yung bala sa baga nya. Nasa recovery room sya ngayon at mag aantay lang tayo ng 6 to 8 hours. Kailangan pa kasi syang obserbahan bago ilipat sa kwarto nya."

"Ok doc, Salamat po."

Taimtim na nagdasal at nagpasalamat si John sa Panginoon sa pagkakaligtas ni Mishka.

Halos magdamag na nagbantay si John sa hospital nang maisipan nyang tawagan ang sekretarya nya.

"Hello sir sagot ni Mila."

"Pakipuntahan mo yung sekretarya ni Mishka at papuntahin mo sya dito sa hospital para pansamantalang palitan nya ako sa pagbabantay kay Mish."

Gulat na gulat ang sekretarya ni John sa nangyari kay Mishka.

Nagmadali syang nagpunta sa office ni Mishka nang naabutan nyang umiiyak si Carla,ang sekretarya ni Mishka.

"Oy Carla bakit ka umiiyak?"

"Mila, andyan ka pala. malungkot na sagot nya."

"Bakit ka nandito sa labas ng office nyo? Ano nangyayari sayo."

"Kasi Mila nasa loob si ma'am Vanessa, binuksan nya yung files ni ma'am Mishka at parang tinatransfer nya sa u.s.b nya. Mahigpit kasi na pinagbabawal ni ma'am Mish na masilip ng iba yung mga files na yun dahil confidential daw ang mga laman non."

"Pinigilan mo sana?sagot ni Mila."

"Sinubukan ko syang pigilan ng pagsabihan ako ng puro masasama at pinagbantaan pa nya ako. Ipapa-patay daw nya ako pag nagsumbong ako."

Lumabas si Vanessa na may kausap sa cellphone.

"Dont worry, nakuha ko na! ibibigay ko nalang sayo yung kopya mamaya."

Saka sya huminto sa harap nila Mila at Carla.

"Kayong dalawa! habang nakaduro sya. Subukan nyo lang magsumbong at ipapa-patay ko kayo."

Naiwang takot na takot ang dalawang sekretarya.

"Hindi ko akalaing ganyan kasama si ma'am Vanessa sabi ni Carla".

"Oo nga! akala ko pa man din na mabait sya dahil lagi syang tahimik. Yun pala demonyo pala sya. sabi naman ni Mila."

"Oo nga pala tumawag si sir John at pinapapunta ka nya sa hospital dahil na confine si ma'am Mishka. Ikaw muna daw ang kapalitan ni sir."

Lubos mang naguguluhan si Carla sa mga nangyayari pinilit pa rin nyang kumilos ng normal. Yung nangyaring krimen kagabi ay agad nilang pinagtakpan. Inutos daw kasi ni director para maiwasang maiskandalo ang kompanya.

HEART BREAK (agnusdei)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon