Chapter Twelve

41 3 1
                                    

Hininto ni John ang sasakyan at kinuha ang pang blind fold kay Mishka.

"Isuot mo muna to kasi in 5 minutes andon na tayo."

"Pinapakaba mo naman ako."

Nang maramdaman ni Mishka na huminto ulit yung sasakyan lalo pa syang nakaramdam ng kaba at pagka excite.

"Andito na ba tayo? tanong ni Mishka "

"Oo Mish sagot ni John."

Naramdaman ni Mishka na bumaba na si John ng sasakyan at pinagbuksan sya ng pinto. Kinuha ni John ang kamay nya at inalalayang bumaba. Dahan-dahan silang naglakad hanggang sa marating nila yung mismong lugar.

"Ready kana?tanong ni John."

"Oo, kasi kanina pa akong nininerbyos."

Natawa si John sa reaction ni Mishka. Okay pagbilang ko ng tatlo tatanggalin ko na ang blind fold mo.

"One, two, three!"

Tinanggaal ni John ang blind fold ni Mishka at sobrang gulat na gulat sya sa nakita nya. Bumungad sa knya ang isang garden na napapalibutan ng ibat ibang uri ng bulaklak. Ang mga scented candle ang bumuhay ng gabi at nagbigay lalo ng bango sa paligid. May bilog na mesa na elegante ang pagkakaayos. May maga petals din ng pulang rosas na sinadyang ikinalat sa madadaanang papunta sa may mesa. Hindi sya nakapagsalita at tumulo ang luha nya sa sobrang saya.

Humarap si John kay Mishka habang hawak nya ang kamay ni Mishka.

" Mish will you be my girlfriend?"

" Tumango si Mishka at yumakap kay John habang patuloy ang pag agos ng luha nya sa sobrang kaligayahan."

"Hindi man ako yung ideal man na gusto mo or hindi man ako perfect para sayo pero ipapangako ko na gagawin ko lahat ng pwedeng magpapasaya sayo."

Hindi na naituloy ni John ang iba pa nyang sasabihin dahil sinakop na ni Mishka ang mga labi ni John. Buong pagmamahal nilang pinasaluhan ang matamis nilang halik.

Umupo sila sa may mesa saka sila nagdinner. Pinatugtog ni John ang nakahanda ng lovesong. Hindi makakain ng maayos si Mishka kahit napaka special lahat ng menu na naka serve sa kanila dahil ang pakiramdam nya ay nabusog na sya sa napaka-gandang surpresa ni John sa kanya.

Niyaya sya ni John na sumayaw at tumayo naman agad si Mishka. Halos magdikit na ang mga katawan nila nang my biglang naramdaman si Mishka. Parang my kuryente na nanalaytay sa buong katawan nya.

Nong natapos na ang tugtog saka ulit sila umupo. Biglang nagsalita si John.

"Ang bilis ng panahon no? akalain mong 2 months na ang nakakalipas. Lalo pat bumibilis pag kasama kita."

Natamaan bigla si Mishka sa sinabi ni John. Bigla nyang naalala ang kanilang kasunduan. Hindi kaya part pa din ng kasunduan namin itong ginagawa ni John? Palabas pa din kaya ang lahat? Nangilid ang luha nya dahil alam nya sa sarili nya na tuluyan na syang nahulog kay John. Kahit sa sandali palang nilang pagsasama sigurado sya na mahal na nya si John.

"What's wrong? sabay yakap si John kay Mishka."

"Wala,masaya lang ako."

Muli silang nagkatitigan at pinagsaluhan ang kanilang mga labi.

"I love you sabi ni John."

"I love you too sabi naman ni Mishka."

Medyo naguguluhan man si Mishka hinayaan nalang nya kung hanggang kailan lang magtatapos ang kanilang fake na relasyon. Ang mahalaga sa ngayon ay kung anong meron sila ngayon ni John. Papahalagaan nya ang bawat minutong magkasama sila dahil hindi nya alam kung kelan matatapos ito.

HEART BREAK (agnusdei)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon