Chapter Five

76 4 0
                                    

"Ano ba tong report na to?". Ang hirap naman! sabay padyak sa paa nya.

"Ma'am Liezel ok  ka lang dyan?" sabi ng  sekretarya nya.

"Mukha ba akong ok?"Mababaliw na ata dito, kung nandito lang sana si Mish tapos na sana to."

"Oo nga ma'am, namimiss ko na din si ma'am Mish lalo na yung mga pasalubong nya sa akin na pagkain". Narinig mo na ba ma'am yung mga bulung- bulungan?

"Ano na naman ba yan"? Siguraduhin mo lang na good news yan ha?

"Dumating na daw si director dito sa pinas ma'am at bibisita daw sya dito bukas."

"Salamat naman para umalis na si sir John dito kasi nakakapressure syang kasama". Sakal na sakal ang beauty ko sa kanya.

"Naku ma'am yan nga po ang masaklap dahil si sir John na daw po ang mamahala ng kompanya."

"What???". It can't be!!

"Sa ginawa nya kay Mish parang gusto ko nga syang bugbugin eh. Napaka unprofessional kasi ginawa nya, pinairal nya ang init ng ulo nya. Parang wala syang itlog na dala dala pwera nalang siguro kung bading sya."

"komedyante ka talaga ma'am Liezel."

Kring! Kring! Kring!

"Hello! sabi ni Liezel."

"Please bring your report and proceed to my office. sabay baba ng phone."

"Peste! si sir John. Oh my god! Di ko pa tapos yong report ko. Anong gagawin ko ngayon?"

"Goodluck sayo ma'am Liezel ihanda mo nalang ang sarili mo sa kung ano man posibleng mangyari."

Bitbit ko ang report ko na hindi pa tapos at nagtungo ako sa office ni sir John.

Tok! Tok! Tok!

"Come in! Take a seat. sabi ni sir John."

"Thank you sir."

"How's your report?"

"Pina finalize ko nalang po sir at malapit na din matapos".

Inabot nya ito at saka nya iniscan.

"Ok finish it in 2 days ."

Nagningning ang mga mata ko dahil ineexpect ko na masasabon ako sa kanya. Muling nagsalita si sir John.

"By the way dadaan si director bukas dito. Gusto ko syang i-welcome ng maayos kaya paki remind nalang sa buong department."

"Ok sir."

Lumabas agad ako sa office ni sir at halos magtatalon ako sa sobrang saya dahil hindi ako napagalitan. Inisa isa ko din niremind lahat ng department ng kompanya para sa pagbisita  ni director.

Dumating ang bukas at puro abala lahat ng tao dito. Maaga din ako pumasok para macheck ko kung nasa ayos na ang lahat.

Organize naman na ang lahat kaya napanatag na ako.

Nakita ko si Vanessa na papunta sa elevator at mukhang balisa na parang may mabigat na problema. Lumapit ako sa kanya.

"Musta friend? Simula nang mawala si Mish dito di na tayo nakapagbonding ah."

"Sorry Liz, kasi marami lang talaga akong ginagawang trabaho sa department namin ngayon lalo pat parang pinag iinitan kami ni sir John."

"Ganon ba? Magbonding naman tayo nila Mish pag di kana busy."

HEART BREAK (agnusdei)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon