Chapter Fourteen

38 2 0
                                    

Masayang naglalakad papunta sa may basement ng hospital kung saan naka park ang sasakyan nila Vanessa at Alfred. Magaan ang pakiramdam nilang dalawa dahil bukod sa nagkaayos na sila ni Mishka maganda din ang result ng laboratory ng anak nila at hininto na din ang pagki-chemothrapy nya. Ang paggaling daw ng anak nila ay isang milagro kaya lubos silang nagpapasalamat sa panginoon.

"Wala na siguro akong mahihiling pa kundi ang tuluyang paggaling ng anak natin at makasama ka Alfred sabi Vanessa."

"Maituturing ko din na isa ito sa pinakamasayang araw ko. Wala na akong mabigat na iniisip dahil maayos na ang lahat. sabi ni Alfred."

Bubuksan na sana ni Alfred ang sasakyan nang may biglang tumutok sa kanya ng baril sa my bandang tagiliran. Pinasakay sila sa loob ng sasakyan. Nag iiyak na ang anak nila sa sobrang takot habang tulala naman si Vanessa.

"Huwag kayong mag-alala dahil hindi ko pa kayo papatayin ngayon, ipapaalala ko lang sa inyo na pinamaman-manan kayo sa akin ng amo ko. Konting pagkakamali nyo lang ay papatayin ko kayo sabi nong lalaking may hawak na baril."

"Sila Liezel ba ang amo mo? wala silang kasing sama! masusunog sila sa impyerno. Pagalit na sabi ni Vanessa."

"Wala ka ng paki-alam kung sino pang demonyo ang amo ko, manahimik ka nalang sa lahat ng nalalaman mo dahil pag ikaw kumanta, uunahin kong patayin itong anak mo!"

Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nong lalaki dahil hindi na napigilan ni Vanessa ang galit nya.

"Subukan mong saktan ang anak ko, sisiguruhin ko na magbabayad kayong lahat pasigaw na sabi ni Vanessa."

Tinutukan nong lalaki si Vanessa ng baril sa ulo habang nanginginig sya sa takot.

"Palalampasin ko ang ginawa mong pagsampal sa akin ngayon pero pag inulit mo pa yan ulit pasasabugin ko ang bungo mo. Naiintindihan mo? pagalit na sabi nong lalaki."

Niyakap ni Alfred ang mag ina nya at nakiusap sa lalaki na umalis na sya.

"Aalis na ako pero binabalaan ko kayo, huwag na huwag kayong gagawa ng hakbang na ikapapahamak ng mga amo ko kung ayaw nyong paglamayan kayo ng wala sa  oras."

Nong makaalis na ang lalaking my baril doon palang humagulgol si Vanessa dahil sa awa nya sa anak nya. Kitang-kita kasi ang trauma sa mukha ng anak nya.

"Dahil sa ginawa nilang pananakot sa atin mas pursigido akong tumulong kay Mishka para mailabas ang mga baho nila Liezel sabi ni Vanessa."

"Basta mag iingat lang kayo sabi ni alfred."

Pagdating nila Vanessa sa bahay nila agad nyang tinawagan si Mishka. Binalita nya ang nangyari. Hindi na nagulat si Mishka dahil alam nyang kayang kayang ipagawa nila Liezel ang mga bagay na yun, pumatay nga yung manakot pa kaya?

Nakabuo ng plano si Mishka. Magpapanggap silang magka-away ni Vanessa at hindi mag uusap sa kompanya. Lahat ng transaction nila ay sa skype lang o di kaya tawagan lang. Mas mabuti at mas safe yun para sa kaligtasan nila Vanessa lalo pat may nagmamanman sa kanila. Para hindi na rin silang paghinalaan. Magpapanggap din si Mishka na kunwaring hindi pa nya alam ang totoong ugali ni Liezel.

"Nasend ko na yung files na ibibigay mo kay Liezel. Mag iingat ka pag makikipagkita kana ok?sabi ni Miskha."

"Ok friend, thanks."

Tuluyan ng naputol ang pag-uusap nila. Hindi aakalain ni Mishka na hahantong sila sa ganitong sitwasyon. Ang maganda nilang samahan ay masisira dahil sa kasamaan ni Liezel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HEART BREAK (agnusdei)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon