Chapter Nine

34 3 0
                                    

Medyo inaantok pang bumangon si Mishka dahil binulabog sya ng tawag ni John kaninang madaling araw. Nakangiti syang nagtungo sa banyo para maligo at ninanamnam nya ang mga katagang sinabi ni John na namimiss daw sya.

"Hay naku! pinapakilig talaga ako ni sir John. Sana sa totoong buhay true nalang."

Masayang nilisan ni Mishka ang bahay nila at dumaan muna sa isang fast food chain para magbreakfast.

Kumakain na sya non nang my biglang tumabi sa kanya.

"Hi babe! goodmorning! sabi ni John."

Gulat na humarap si Mishka. Ano raw? "babe" daw?bingi na ata ako.

"Goodmorning sir, bati ko."

Nag order ng coffee at pancake si John.

"Huwag mo na akong tawaging sir pag dalawa lang tayo magkasama, just call me John ok?"

Pagkatapos nilang magbreakfast ay dumeretso na sila sa kompanyang pinagtatrabahuan nila.

Sobrang inspired na magtrabaho si Mishka ngayong araw. Para syang baliw na ngumingiti pag naalala nya si John.

"Oy si ma'am Mish inlove! biglang sabi ng sekretarya nya."

"Hindi ah!"

"Naku hindi raw! pero kitang kita naman ma'am sa inyo. Si sir John ba ma'am?"

"Oy hindi ah,baka may makarinig sayo dyan ah, namumulang sabi ni Mishka."

Tawa ng tawa ang sekretarya nya dahil tuwang tuwa sya sa reaction ni Mishka.

"O sige ma'am hindi na kayo inlove! naniniwala na ako kahit pangiti ngiti kayo ng walang dahilan at kahit madalas kayong nakaharap sa salamin pag nagpupunta si sir John dito."

"Sira! bahala ka nga dyan.hindi nga ako inlove."

Naging seryoso ulit si Mishka sa pagtatrabaho at nagpabili nalang sya ng lunch nya sa sekretarya nya dahil sangkatutak pa ang nakatambak na trabaho nya dumagdag pa ang bagong project nila sa kompanya.

Pagdating ng sekretarya nya dala- dala nya ang isang boquet ng bulaklak at ang pang lunch nila.

"Ma'am Mish pinabibigay daw po ni sir John."

"Sino nag abot sayo?"

"Binigay ni Mila ma'am, yung sekretarya ni sir John."

"Ah ganun ba? ok thanks."

"Oy si ma'am hinahanap si sir John pang asar nyang sabi."

"Ikaw talaga! mapang asar ka. kumain na nga tayo!"

Sabay silang kumain at medyo nawalan ng gana si Mishka dahil hindi mismo si John ang nag abot ng bulaklak nya.

Kring! kring! kring!

"Hello! inis na sabi ni Mishka."

"Hi babe! how's your day? Natanggap mo na ba yung bulaklak na pinadala ko? Pasensya kana kung di ko mismo inabot sayo dahil my meeting akong inatenan. Akala ko kasi matatagalan pang matapos kaya pinaabot ko nalang sa sekretarya ko. Nagtatampo ka ba?"

Kinikilig sa kabilang linya si Mishka. Natanggal lahat ng inis nya dahil nagpaliwanag si John kung bakit hindi nya naiabot mismo yung bulaklak sa kanya.

"Hindi ako nagtatampo, nanibago lang ako dahil hindi ikaw ang nag abot."

"Ok! see you later! pabalik na din ako sa kompanya. sabay na tayong magdinner mamaya ha.

HEART BREAK (agnusdei)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon