Chapter seven

44 4 0
                                    

Maaga akong pumasok sa kompanya ngayon. Medyo naninibago ako dahil ang pakiramdam ko first time ko pumasok.

"Mish! humihingal na lumapit si Vanessa."

"Oy friend, namiss kita ang tagal mong hindi nagparamdam sa akin simula ng matanggal ako."

"Bakit nandito ka? sabi ni Vanessa.

Biglang kunot naman ng noo ni Mishka.

"Ano ba yan friend? Yan ba ang pang welcome mo sa akin? syempre para magtrabaho dito!"

"Alam na ba ni sir John na papasok ka ulit dito?"

"Ang wierd mo friend? Ano ba nangyayari sayo? dapat nga masaya ka dahil nakabalik ulit ako."

" Hindi naman sa ganon friend, ayoko na kasing maulit yung nangyari before. Alam mo naman na strikto at masungit ang boss natin."

"Naku friend! ewan! whatever!"

Sabay na kaming pumasok sa elevator. Naunang lumabas ng elevator si Vanessa dahil magkaiba kami ng department.

Pagbukas ng elevator nagulat ako at may mga nakaabang na don.

"Welcome back ma'am Mishka."

"Thank you guys! Sa awa ng dyos magkakasama ulit tayo."

"Mishka!! Friend ang saya ko dahil nandito kana ulit. Hindi na ako mahihirapang gumawa ng report sabi ni Liezel."

Nagyakapan ang dalawa saka sabay pumasok sa loob ng office ni Mishka. Nagkwentuhan sila sandali at hindi nagtagal bumalik sa pagtatrabaho.

Naging busy si Mishka dahil maraming nakatambak na trabaho nya. Naipon ito simula nong sesantihin sya. Maya maya bigla nyang naalala.

"Badtrip! bakit pala hindi pa ako pinagdadalhan ng bulaklak ni sir John?" mukhang hindi nya ata susundin ang kasunduan namin ah."

Nag inat sya ng kamay.

"Nagugutom na ako"

Pagtingin nya sa relo nya 1:30pm na.

"Kaya pala nagwawala na mga alaga ko sa tyan. Makapaglunch na nga baka magka ulcer pa ako nito."

Dumeretso na ako sa cafeteria. Wala pa din pinagbago tong cafeteria ng kompanya pinipilaan pa din.

Nakapila na ako nang makarinig ako ng nagtitiliang mga babae pati mga baklang kumakain nakikisabay sa tilian. Paglingon ko, nakita ko si sir John na may dala dalang bouquet ng bulaklak .

Naging slow motion ang lahat sa paligid ko. Ang gwapo nya at ang lakas ng dating nya.

Inabot nya sa akin ang bulaklak at agad kong tinanggap.

Ang daming naging bulong- bulungan sa paligid.

"Ang gwapo ni sir John noh? Nililigawan nya kaya si ma'am Mish? sabi ng kumakain na empleyado."

"Para namang hindi eh, mukhang peace offering lang nya siguro dahil sa ginawa nya noon kay ma'am Mish sabi naman nong katabi nya."

"Feeling ko nanliligaw sya kasi iba yong glow ng mata ni sir eh, tsaka bet ko sila, bagay sila sabi naman ng kinikilig na baklang kasama nila."

Umalis agad si John pagka abot ng bulaklak.

"Hay naku? Bakit ba kasi kailangan laging abutan ng bulaklak tong babae na to? sambit ni John."

Habang naiwan naman si Mishka na abot tenga ang ngiti sa kinauupuan nya.

Kumakain ako noon ng biglang tumunog ang cellphone ko.

HEART BREAK (agnusdei)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon