Chapter Eleven

38 2 1
                                    

Ika walong araw na simula ng maoperahan si Mishka. Nag order ang doctor nya na kailangan nyang magpalaboratory at x-ray.

Sinabi din ng doctor nya na pwede na syang maglakad lakad dahil pagaling naman na ang sugat nya.

Pag naging clear daw sya sa result ng laboratory and x-ray pwede na daw syang madischarge.

Tuwang-tuwa si John sa narinig nya dahil sa wakas makakauwi na din si Mishka. Medyo nangayayat si Mishka dahil hindi sya masyadong nakakatulog sa gabi ito sa hospital. Mas makakapag pahinga kasi sya pag nasa bahay na nila.

Naghaharutan sila John at Mishka nong pumasok ang nurse na may dalang wheel chair.

"Ms Cordova po?"

"Opo sabi ni Mishka."

"Ma'am for x-ray po kayo ngayon at dadalhin ko po kayo sa radiologist."

"Ok."

Inalalayan ni John si Mishka na umupo sa wheel chair. Nag paalam na din sya na sasaglit sa kompanya.

Papunta na si Mishka at yung nurse sa radiologist nang bigla silang huminto.

"Ma'am ok lang po ba na iwanan ko muna kayo dito dahil nakalimutan ko po yung chart nyo.?"

"Sure, no problem sagot ni Mishka."

Sinecure muna ng nurse ang wheel chair ni Mishka bago nya iniwan.

Naiwan si Mishka sa my hallway at maya't maya sya dinadaanan ng mga doctor at mga nurse. May mga pasyente din dinadaan papuntang operating room at kitang kita sa mukha nila ang kaba. Yong iba naman ay for discharge na.

Nakarinig ako ng malakas na pagsigaw sa may kwartong malapit sa akin. Maya maya ay inilabas ng nurse ang babaeng sumisigaw at namimilipit sa sakit. Nakabandage ang paa nya habang hinihimas himas nya.

Hindi ko masydong makita yung mukha ng babae dahil nakayuko sya. Hawak hawak nya kasi yung paa nya. Hindi nagtagal at dumating ang isang lalaki.

"Babe are you ok?"

"No!! pasigaw nyang sagot. Hindi nila iningatan ang paa ko."

"Hayaan mo na babe, pagpasensyahan mo nalang total pauwi na tayo."

Palapit sila ng palapit kay Mishka nang makilala nya kung sino yung babaeng nakaupo sa wheel chair at si Liezel kasama nya si Dave na boyfriend nya.

Hindi man lang nila napansin si Mishka dahil busy sila sa pagtatalo at pagrereklamo ni Liezel. Gusto ko silang tawagin nong una pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Ang mga boses na yun!"

Paulit-ulit binalikan ni Mishka ang nangyaring krimen sa kompanya non. Biglang nanlaki ang mga mata nya.

"Yung boses ni Dave ay boses nong nag utos na tuluyang patayin yung guardia ng kompanya at yung boses nong kasama nilang babae ay boses ni Liezel. Noong marinig ko ang boses nila nong araw ng krimen, sila na ang naisip ko dahil madalas kong nakakausap si Liezel kya familiar na sa akin ang boses nya pero dahil hindi ko ini- expect na kaya nilang gawin yung ganoong pangyayari inisip ko nalang na baka hindi sila yun."

Muli kong inalala yung pagkakadapa nong babae dahil sa kamamadali nilang lisanin ang lugar. Nakita ko noon na parang nabalian sya dahil sa lakas ng pagkakabangga ng paa nya.

Napagtagpi tagpi ko ang mga pangyayari at na confirm ko na sila yun. Pero ano kayang motibo nila at nagawa nila yung karumal dumal na pangyayaring yun. Sila din ba kaya ang may kagagawan ng pagkakabaril mo?

HEART BREAK (agnusdei)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon