Ep. 2 – IT STARTED WITH A DISGUISE
{Kyle’s POV}
“Ikaw ba si Kyle Villar? Anak ng pangalawang ministro?”
“Opo kamahalan.”
Nakasalubong ko ang mahal na hari sa palasyo. Ngayon nga pala kasi ang unang araw ko bilang adviser ng prinsesa. Pinakulong kahapon yung ex-adviser niya kaya agad akong pinatawag para pumalit.
“Kyle!”
“Pantas John.”
“Pupunta ka na ba sa prinsesa?”
“Opo”
“Mag-ingat ka. Inaangat ng prinsesa ang kurtina pagkatapos ay biglang sisigaw.”
“Di yun. Mahuhulog pa yun sa kagandahang lalake ko. HAHAHA.”
HAHA. Pumunta na ako ng study room…
“Kamahalan.”
“Ikaw ba ang bago kong guro?”
“Opo”
“UPO!”
Tae! Ang pangit ng ugali ng prinsesang ito. Hmp. Di niya ako maiisahan.
“Kamahalan, buksan niyo na po ang inyong libro. Page 125.”
“Ayaw kong mag-aral ngayon!”
“KAMAHALAN!”
“Bakit mo ako sinisigawan? Guro ka lang!”
Silence…
“Kamahalan?”
Nakita ko ang prinsesa na unti-unting tinaas ang palda niya.
“A-Ano pong ginagawa niyo?”
Ganito pala ang gawain ng prinsesa? Pwes! Mas lalo ko siyang aakitin. Susunggaban ko ang pagkakataong ito.
Bigla kong…
Itinaas ang kurtina sa pagitan naming- kahit alam kong bawal.
At nagkatinginan kami- mata sa mata.
“Bakit? BASTOOOOOOS!”
Napatingin ako dun banda sa may hita niya.
“Umalis ka! Alis! Alis!”
At lumabas na ako.
Hmp. -.-
Di naman pala masyadong kagandahan e. Pwe. =_=
{Jewel’s POV}
Ganito pala sa labas ng palasyo. Ang ganda. Haaaaay.
Bigla naman akong ma’y nakitang magandang ilog kaya pinahinto ko ang aking sinasakyan.
Sa pamamalagi ko sa loob ng palasyo, ngayon lang ako nakalabas ng ganito. Salamat kay Cyril.
“Halika rito! Habulin niyo ang taong yun!”
Bakit ang ingay sa labas?
At biglang…
May lalaking sumakay sa sasakyan.
WAAAAAAA!
“Wala ka bang galang? Alis! Bastos!”
“Ang ganda mo.”
Sinampal ko siya! Di ito maaari.
“Marlin! Marliiiiin!”
“Sssh. Tumahimik ka, please. May naghahabol sa akin.”
Hinawakan niya ang bibig ko. Wala siyang karapatan! Wala!
“Wala akong pakialam! Ako ang prinsesa! Hooooy! Nandito yung hinahanap niyoooooo!”
“Prinsesa Jewel? Prinsesa? Sssssh.”
“Andito siyaaaaa!”
Bigla naman niya akong….
HINALIKAN!
Inalipusta ako! HINDI! HINDI!
Bigla ko naming sinipa ang ibaba niya. Yung malakas na malakas nang mabasag na!
“Araaaaay!”
“Ipapapatay kita! Ang bastos! BASTOOOOOS!”
Sinipa at sinampal ko ulit siya.
“Tama na. Tama na. Mike Gonzales nga pala.”
“Wala akong pake! Hoooooy! Narito si Mike!”
“SSSSSH”
Tinulak ko siya at bigla naman siyang nahulog sa labas ng sasakyan. Buti nga. :P
“Andyan ka lang pala! Boys! Bugbugin na ito!”
Binugbog at kinaladkad siya palayo. Haaaay. Tama lang yun sa kanya. Ninakawan niya ako ng halik at walang kapatawaran yun! WALA!
“Kamahalan? Ano pong nangyari?”
“Merlin, umuwi na tayo.”
“Kamahalan”
“Sabing umuwi na tayo!”
Di ko akalaing mangyayari sa akin yun. HINDI! =_=
BINABASA MO ANG
It started with a disguise
Любовные романы"IT STARTED WITH A DISGUISE"(c) zorrostories 2014 Characters: ♀ Cyril Santos ♂ Kyle Villar ♀ Jewel Amor ♂ Ranz Acosta ♂ Mike Cruz "Kung dito ay mapipigilan niyo ang pagmamahalan namin- sa kabilang buhay ay hindi!" (c) Cyril Santos "Wala kang kailang...