Ep.10

11 0 0
                                    

Ep. 10 – IT STARTED WITH A DISGUISE

{Ron’s POV} – Jewel’s Father

“Mga ministro at mga pantas, narito kayo ngayon para saksihan ang isang importanteng pangyayari. Nasa tamang edad na ang anak kong si Prinsesa Jewel, kaya ipapakilala ko kung sino ang napiling kong ipakasal sa aking anak.”

“Kapatid, magandang balita iyan. Ngunit sino?”

“Prinsipe Jacob, mga kawani, ang napili kong papakasalan ng prinsesa ay ang anak ng pangalawang ministro- si gurong Kyle Villar!”

{Jewel’s POV}

“Yung ipapakasal po pala sa inyo ng hari ay ang inyong guro, kamahalan.”

“Guro?”

“Opo kamahalan. Di niyo po ba alam?”

“A-Alam ko. Sige, salamat.”

Guro ko si Kyle Villar? Nagkita na sila ni Cyril at alam ni Cyril na si Kyle yun! Plinano itong lahat ni Cyril nung simula pa lang! Plinano na nila itong mag-ama!

“Hi Jewel.”

“Kamahalan! Matuto ka ngang rumespeto Cyril.”

“Opo kamahalan.”

“At ano bang pina-plano mo?”

“Ha?”

“Hindi ba alam mong si Kyle ang guro ko?”

“Oo pero wala naman yun e. Ipapakasal din kami nun.”

“Ipapakasal? Huh? Nagbibiro ka ata!”

“Siya yung kinikwento ko…”

“Di mo ba nabalitaan? Ipapakasal na kami ni Kyle matapos ang apat na lingo.”

“Pero”

“Kamahalan! Papunta na po ang inyong guro!”

“Pwes! Andito na si Kyle at magpapakilala na ako!”

“Mas kilala niya ako!”

“Kilala ka niya bilang ako, Cyril! Simula pa lang ay niloko mo na siya!”

“Di ako nanloko!”

“Merlin! Madali ka! Itago si Cyril ditto sa may aparador!”

“Kamahalan! Kamahalan!”

Tatapusin ko na ang inumpisahan mo Cyril! Ang inumpisahan niyo ng tatay mo!

Pumasok na si Kyle…

“Kamahalan. Magsisimula na tayo.”

“Guro…”

“Ayaw mo ba muna? Palagi kitang pinagbibigyan e. Ikaw pa.”

Tumayo ako at itinaas ko na ang kurtina. Itatama ko ang lahat.

Kaya itinaas ko na ang kurtina…

“A. Sino ka? Asan si Prinsesa Jewel?”

“Ako si Jewel.”

“Mapagbiro ka binibini. May sorpresa ba sa akin ang prinsesa?”

Lumapit ako kay Kyle at lumabas kami na hawak-hawak ko siya.

“Asan tayo pupunta? HAHA. Yung prinsesa niyong ‘yun talaga. Gusto pa ata akong sorpresahin e. HAHA.”

Bitbit ko pa rin si Kyle at pumunta kami sa tanggapan ng pangalawang ministro.

“Sa tatay ko? Bakit dito?”

“Malalaman mo rin”

Pagpasok ng tanggapan…

“Prinsesa Jewel! Kamahalan, napunta kayo sa silid ko?”

Tiningnan ko si Kyle at halatang gulat na gulat siya.

Iniwan ko siya sa silid ng ama niya at bumalik na ako sa study room.

{Kyle’s POV}

“Dad? Si Prinsesa Jewel?”

Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako. Teka, di totoo ang nangyayari!

“Di ka man lang nagbigay pugay sa kamahalan. Hinayaan mo pa siyang ihatid ka rito.”

“Pero ang kamahalan ay…”

Kailangan kong malaman ang totoo…

Bumalik ako sa study room, di pwede. Di siya si Jewel! HINDI!

“Sino ka bang talaga? Ilabas mo si Jewel!”

“Hindi mo ba narinig ang dad mo? Ako nga si Prinsesa Jewel.”

“Kung ganoon ay sino yung…”

“Hmm. Alipin ang babaeng yun! Pinalayas ko na kaya wag ka nang umasang magkikita pa kayo!”

“Hindi yan totoo!”

“Maniwala ka man o hindi ay yan ang katotohanan.”

Ibig sabihin ay pinasaya at minahal ako ng babaeng di ko kilala? Nagmahal ako ng babaeng napalapit na sa akin pero di ko man lang lubusang kilala.

“Ano ang pangalan ng babaeng yun? Sabihin mo!”

“Para saan pa? Di mo naman rin mapapakinabangan ang babaeng yun.”

“Mahal ko yun! Mahal ko ang babaeng yun!”

“Di mahalaga yun. Tayo naman ang magsasama Kyle, tayo!”

“Hahanapin ko ang babaeng yun! Di mo ako mapipigilan!”

“Nagpapatawa ka ata. Hahanapin mo? HAHA.”

Paalis na ako nang biglang…

“Kyle! Kyle! Bumalik ka!”

Hahanapin ko ang babaeng yun. Ang babaeng kumumpleto sa akin. Ang babaeng nagpapasaya sa akin. Ang babaeng pinakamamahal ko.

It started with a disguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon