Ep. 5

15 0 0
                                    

Ep. 5 – IT STARTED WITH A DISGUISE

{Kyle’s POV}

“Kyle, papunta kami sa bar. Sasama ka?”

“Mauna na kayo. Susunod lang ako.”

Nagkahiwalay na kami nina Mike at Ranz. Napunta naman ako dun sa lugar na maraming nagpapatinda.

Nagawi ako sa gamit para sa buhok. May bibilhin ako para sa kapatid ko.

Lakad lakad lakad…

Teka! May babae na kilala ko. Hmmm…

Masundan nga.

“Binibini, maganda po ito.”

“Oo nga Gail.”

Binibini? Teka. Bakit binibini lang? Si Prinsesa Jewel ba ito? Matingnan nga ulit.

Hmmm…

Si JEWEL nga!

“Binibini. E ito po?”

May kinuha akong pansipit sa buhok at inalok ko sa kanya.

“Bagay po sa inyo ito kamahalan.”

“Gu-guro?”

“Haha. Ako nga.”

“Bakit ka narito?”

“Ako dapat nagtatanong nyan kamahalan, dba?”

“Ako ang sagutin mo guro! Bakit ka narito?”

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. HAHA!

“Sinusundan mo ba ako kamahalan? Bakit ka lumabas? Lumabas ka dahil alam mong di ako papasok kaya hinahanap mo ako? HAHA!”

Lumapit pa ako ng lumapit….

Biglang…

PAK!

“Ang bastos mo! Bastos!”

“Wag mong ganyanin si binibini.”

Tiningnan ko lang yung kasama niyang alipin at…

Tumakbo ako palayo habang hinahawakan si Prinsesa Jewel.

“BINIBINI!”

Hanggang sa nagawi kami sa may batis sa bayan.

Walang tao.

“Bitiwan mo nga ako!”

Binitiwan ko siya at nadulas siya pero nasalo ko naman.

“Ayan. Sabi mo bitiwan ka e.”

“Ang bastos mo talaga!”

“Ikaw na nga itong sinalo e.”

Tumalikod ako at patuloy na naglakad. Iniwan ko naman siya.

“Hoy! Asan tayo? Ba’t mo ‘ko iiwan?”

“Bastos ako dba? Kaya iiwan kita.”

“Bumalik ka rito!”

Nagpatuloy ako sa paglalakad…

“Sabing bumalik ka!”

Pero di ko siya pinansin at naglakad pa rin ako papalayo.

Maya-maya…

“Huminto ka na nga. Pagod na ako.”

“Kamahalan, wag ka nang sumunod.”

“Teka! Ibalik mo ako sa bayan!”

“Bakit?”

“Ikaw nagdala sa akin dito kaya ikaw rin ang maghahatid sa akin pabalik! Ibalik mo na ako!”

It started with a disguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon