Ep. 12

9 0 0
                                    

Ep. 12 – IT STARTED WITH A DISGUISE

{Kyle’s POV}

Nasaan ka na ba? Gusto kong malaman kung sino ka…

MAHAL KITA.

Asan ka na? Asan ka na?

“Kyle!”

“Jew- hindi pala.”

“Kyle, hindi nga pala ako si Jewel. Sorry sorry.”

“Alam ko pero hindi nagbago ang pagmamahal ko at pagtingin para sa’yo.”

“Pasensya ka na Kyle. Hindi ko intensyon ang lahat, hindi.”

“Ssssh. Wala kang kailangang ipaliwanag. Naiintindihan ko kung ano man yan. Ang mahalaga ay ang nararamdaman ko para sa’yo, ang nararamdaman natin para sa isa't-isa”

“Kyle?”

“Ano yun? Makikinig ako.”

“Ako nga pala si…”

Biglang dumating ang prinsipe, may kasama- si Ranz.

Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari.

“Anak! Cyril! Lumayo ka dyan!”

“Dad?”

Dad? Ang babaeng mahal ko tatay ang prinsipe?

“Kyle. Hi, nagkita ulit tayo.”

“Dad. Ito nga pala si Kyle. Ito yung papakasalan ko dba?”

“Hindi anak, at hinding-hindi mangyayari iyon.”

“Pero, dad…”

“Narito si Ranz. Siya ang papakasalan mo.”

Naguguluhan ako sa mga nangyari. Ipapakasal ako sa babaeng ito, dad niya ang prinsipe at ipapakasal siya kay Ranz?

"Di ko naiintindihan dad.”

“Cyril, anak, lumayo ka na dyan sa Kyle na yan!”

“Cyril? Anak?”

“Kyle, dad ko ang prinsipe.”

“Lumayo ka dyan Cyril! Layo!”

“Di maaari! Hindi!”

“Kyle, bakit?”

“Si Prinsipe Jacob ang pumatay sa nanay ko! Siya!”

Namatay ang nanay ko- 9 years old pa lang ako nun. Nagkaroon nang labanan sa pagitan ng palasyo at ang mga ka-alyado ng prinsipe. Nadakip nila ang nanay ko at sa kamay ni Prinsipe Jacob namatay ang mahal kong nanay.

Kaya, hinding hindi ko siya mapapatawad! Hinding hindi!

Halatang nagulat si Cyril sa mga nangyayari.

“Bakit hindi mo tanungin ang dad mo para malaman mo?!”

“Totoo ba dad?”

“Nakakatawa at naalala mo pa ang mga panahong yun Kyle. HAHA! Oo! Sa magandang dahilan ay ako nga ang tumapos ng buhay niya. HAHA!”

{Cyril’s POV}

Akala ko mabait ang dad ko.

Akala ko isa siyang modelong prinsipe.

Akala ko kilala ko na siya ng lubusan.

Di ko akalaing makakapatay siya at ang mapapatay niya pa ay ang nanay ng pinakamamahal kong lalake.

“Dad, di ko akalaing magagawa mo yun. Ang sama mo dad! Ang sama mo! Ang sama mo!”

“Para sa ikabubuti ang ginawa ko anak. Para rin sa atin yun!”

“Para sa atin? HAHA! Para sa’yo lang ang iniisip mo dad! Para sa’yo lang! Wala kang ibang inisip kundi ang kapakanan mo!”

“Wag mo akong husgahan Cyril! Wala kang karapatan! Anak lang kita!”

Nakakaiyak. Di ko akalaing hahantong kami ng dad ko rito. Di ko inakala ito.

“Ranz! Ang baril!”

“Dad! Anong gagawin mo?”

“Ito ang unang hakbang Cyril!”

“Anong hakbang?!”

“Wag kang makialam Cyril. Malalaman mo rin ito pagdating ng panahon.”

“Dad! Dad!”

BANG BANG BANG BANG BANG!

It started with a disguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon