Ep. 6 – IT STARTED WITH A DISGUISE
{Cyril’s POV}
Magkikita kami ngayon nung bastos na guro na yun! Haaaay.
“Cyril. Magpapalitan ulit tayo ha? May gusto akong puntahan sa labas ng palasyo.”
“Opo kamahalan.”
Nang biglang…
“Kamahalan, kamahalan! Andyan na po yung guro.”
“Kamahalan? Andyan na pala. Pano?”
{Kyle’s POV}
“Kamahalan, narito na po ako. Mag-uumpisa na tayo.”
“Mag-umpisa ka na.”
Makalipas ang isang oras…
“Hinto! Ayaw ko nang mag-aral! Tinatamad na ako.”
“Kamahalan?”
“Basta! Ayaw ko na!”
Aktong tumayo na ang prinsesa…
“Baka gusto mong tingnan kita ulit ng wala ang kurtina, KAMAHALAN? HAHA.”
“HAHAHA. Nakakatawa ka guro.”
“Yan ba ang epekto ng maghapon nating pagsasama kahapon kamahalan? Yan ba ang epekto ko?”
Bigla naman niyang inangat ang kurtina….
Nilapit niya ang mga mukha niya sa akin na tila sinusubukan akong tuksuhin…
“Baka ito nga ang epekto mo sa akin, GURO!”
At lalo pa siyang lumapit. Pwe!
Sa sobrang lapit niya ay…
Hinalikan ko na lang siya.
Di ko alam kung bakit ko ginawa yun.
Siguro para maakit siya?
EWAN!
“Ang bastos! Bastos bastos!”
“Ikaw naman ang nauna kamahalan e. Pinagbigyan lang kita sa gusto mo.”
“BASTOS!”
At umalis siya.
Dapat ko atang ikatuwa ito. HAHA.
“Kamahalan, may pag-aaralan pa tayo.”
“Anong pag-aaralan? Yang kabastusan mo! Psh.”
“Well”
“Magsusumbong ako!”
“Sige.”
“Di mo ako pipgilan?”
“Bakit pa? KAMAHALAN? Ikakatuwa ko pa.”
“Napaka-yabang mo at bastos pa!”
“Nagustuhan mo naman?”
“Ewan sa’yo! Bastos ka! Bastos!”
{Cyril’s POV}
Pwe! Nakakainis talaga itong gurong ito. Sagad sagad ang kabastusan! Hinalikan pa ako!
“Asan ka pupunta kamahalan?”
“Bakit ka pa sumusunod? Umalis ka na!”
“Oras ko pang magturo e. Kaya susundan kita, aking kamahalan.”
“Ikaw bahala! Psh.”
Pumunta ako doon sa may talon. Sumusunod pa rin siya.
Hanggang kelan niya ba ako balak sundan? Psh.
Bigla naman akong nadulas.
“Oops! Buti andito ako para saluin ka, kamahalan.”
“Di kita kailangan!”
At nagpatuloy akong maglakad.
Napagod naman ako kaya napa-upo na ako malapit sa may talon.
Maya-maya ay nagsalita ang guro.
“May ganitong parte pala sa palasyo?”
Di pa rin ako nagsalita.
“Haaay. Ang ganda dito.”
Silence…
Bigla naman siyang tumayo at sa biglaang pagtayo ay…
NAHULOG SIYA SA TUBIG.
5 minutes…
Di pa rin umaahon.
WHAT?! O_o
Asan na siya?
BINABASA MO ANG
It started with a disguise
Romance"IT STARTED WITH A DISGUISE"(c) zorrostories 2014 Characters: ♀ Cyril Santos ♂ Kyle Villar ♀ Jewel Amor ♂ Ranz Acosta ♂ Mike Cruz "Kung dito ay mapipigilan niyo ang pagmamahalan namin- sa kabilang buhay ay hindi!" (c) Cyril Santos "Wala kang kailang...