Ep. 11 – IT STARTED WITH A DISGUISE
{Cyril’s POV}
Hahanapin niya pa rin ako?
Kahit na- oo, sabihin na nating niloko ko siya pero di pa rin nagbago ang nararamdaman niya para sa akin.
Sinabi naman ni Jewel na sila ang ipapakasal?
Paanong…
Di ko alam…
Mahal ko rin si Kyle.
Mahal ko na…
Narinig ko namang lumabas na ng pinto si Kyle kaya nagpumilit akong lumabas ng aparador.
“Masaya ka na ngayon, Jewel?”
“Wala kang karapatan kay Kyle, Cyril! Ginagamit niyo lang siya ng iyong ama.”
Silence... (gulat pa rin)
“Di mo alam? HAHA! Tanungin mo kaya ang ama mo!”
Hahabulin ko na ngayon si Kyle…
Ayaw kong pakawalan pa ang taong nagparamdam na may nagmamahal sa akin.
Hindi ngayon,
At hindi kailanman!
“Bago ka umalis, tandaan mo Cyril! Wala ka nang karapatan kay Kyle! Kaya kung ako sa’yo lumayo ka na!”
{Jacob’s POV}
“Ranz, narito ka na pala.”
“Opo. Mahal na prinsipe.”
“Napag-usapan namin ng ama mo ito. Magka-alyado ang pamilya natin sa palasyo. Kailangan ng partido nating lumakas kaya ikaw Ranz, ay napagdesisyunan naming magpakasal sa panganay kong si Cyril.”
“Talaga po mahal na prinsipe?”
“Magkababata kayo ng anak ko hindi ba?”
“Opo”
“Para na rin ito sa partido natin. May sakit na ang mahal na hari at di dapat ang prinsesa ang hahalili sa kanya.”
“Bakit po mahal na prinsipe?”
“Ranz, akin dapat ang kahariang ito, ang palasyo at lahat nang pagkilala. Pinangako na sa akin ng ama ng ama ng hari na ako ang mamamahala ng lahat. Nagpapansin lang ang kuya ko kaya nakuha niya ang lahat sa akin! Kaya panahon na para palakasin ang partido para mapalitan at mabawi ko na ang kaharian!”
“Mahal na prinsipe.”
“Ibabalik ko lang ang pamilya ko sa dapat naming paglagyan. Pagnagkataon Ranz, ikaw ang magiging hari.”
“Di po ako nangangarap maging hari. Ang mahalaga lang po sa akin ay ang mapagsilbihan ang binibini.”
“Kasama yan sa plano namin ng ama mo. Ang mapasa-atin ang kaharian.”
“Kamahalan!”
“Yukon? Ano?”
“Nakita na po namin si Kyle.”
“Dumating na ang unang hakbang natin Ranz, ang mawala ang Kyle na yan!”
“Pero…”
“Ranz, kung mawawala ang Kyle na yan, wala nang mapapakasalan ang prinsesa at mapaparalisa ang buong kaharian. HAHAHA! Dapat na mawala na ang Kyle na yan, DAPAT AT KAILANGAN! Sumunod ka sa akin Ranz. Kumuha ka na rin ng baril sa aparador ko. Tara na! Panahon na. WAHAHA!”
BINABASA MO ANG
It started with a disguise
Romance"IT STARTED WITH A DISGUISE"(c) zorrostories 2014 Characters: ♀ Cyril Santos ♂ Kyle Villar ♀ Jewel Amor ♂ Ranz Acosta ♂ Mike Cruz "Kung dito ay mapipigilan niyo ang pagmamahalan namin- sa kabilang buhay ay hindi!" (c) Cyril Santos "Wala kang kailang...