06

379 22 23
                                    

RIOT FLEUR

"Riot, babawi ako. Masyado lang talagang compact ang schedule ko this week. Ako na ang sasama sa PFC ni Ryder sa susunod na linggo." Ani Flynn habang kumakain ng shawarma. Tinitigan ko ang kanyang mukha sa laptop at napailing.

"Flynn, I know compact ang schedule mo, that's why I'm doing this small favor for you. Wala namang masama kung ako ang gagawa ng, as you say, brother responsibilities." Inayos ko ang pagkaupo ko habang hawak-hawak ang laptop ko at sumandal sa headboard.

Bumuntong-hininga siya bago kumagat sa kanyang shawarma. "Tulog na ba si Ryder?" Tanong ko para hindi matapos ang usapan naming dalawa. "Umuwi na rin pala si Marita. Sabi ko naman sa kanya hindi niya kailangan magmadali. Kailan uwi mo dito sa bahay, Riot?"

Bago pa ako makasagot ay may nag-doorbell kaya naputol ang aming usapan. Tuloy-tuloy ang pagdodoorbell nito na labis kong ipinagtaka.

"Ang OA, Flynn, ha? Sino ba 'yan at nagawa pang mambulabog ng ganitong oras ng gabi?" Nagpaalam si Flynn sa'kin para tignan kung sino 'yung nag-doorbell.

Itinaas ko ang aking tingin sa ceiling. Tanging hininga ko na lang ang naririnig ko. Maya-maya, may palakas at palakas na ingay na akong naririnig galing kay Flynn.

Nakita ko na ang katawan ni Flynn na umaambang umupo sa dining table. "Kausap ko nga pala si Riot, Jagger. Baka gusto mong kausapin." Nawala ang katawan ni Flynn sa screen at agad itong napalitan ng nakangiting mukha ni Jagger.

"Riot babe! I miss you!" Napangisi na lang ako sa kaingayan ni Jagger. "Kailan ka ba uuwi dito? Napapadalas ata ang pagtira mo diyan sa condo mo ha? Puntahan kaya kita diyan?"

Umiling naman ako kaagad sa kakulitan ni Jagger. I miss his mischiefs, it doesn't fail to make me smile. "Then come! If only you know where I live." Napangiti ako kasi nakalimutan niyang hindi niya alam kung saan ako tumitira ngayon.

"I can always ask Flynn, or I can even bring Flynn with me!" Rinig ko naman sa background ang pagbitiw nang masasamang salita galing kay Flynn.

"Fuck you, Jagger! 'Wag mo akong idamay sa kalandian mo. Kung gusto mong sagutin ka ni Riot, ikaw ang kumilos. Tangina, kapit sa kuya, amputa."

Kita ko ang pagsimangot sa mukha ni Jagger na ikinatuwa ko naman. Same old Jagger.

"Sasagutin mo naman ako, 'diba, Riot?" Agad namang napawi lahat ng tuwa sa mukha ko. "Jagger... We talked about this."

Pansin ko ang pagpilit niya sa sarili niyang ngumiti habang tumatango. "Sorry, Riot. It's just... Hindi pa rin kita mapakawalan eh. I've known you for so long and hanggang ngayon ikaw pa rin 'yung gusto ko."

"Jagger, you know I don't feel the same." Ayaw kong magmukhang masama na nagpapaasa ng kung sinu-sino. Kaya noong umamin si Jagger sa'kin dati, agad kong sinabi sa kanya lahat ng saloobin ko.

Hanggang kuya at kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, and I don't think it would change any time soon.

Natulog ako nang may bigat na dinadala sa puso. Kahit sabihin na nating naging magaan ang pag-uusap namin ni Jagger pagkatapos dahil sa pang-aasar sa kanya ni Flynn, medyo nakokonsensiya ako.

Kinabukasan, maaga ako nagising dahil may presentations kami at may mga long quizzes din. Hindi ako nakapagreview masyado dahil natuwa ako sa pag-uusap namin nina Flynn at Jagger.

"Riot, gusto ko nang gumala." Reklamo ni Caia habang inaayos ang lamesa na puno ng papel. Rinig ko ang mga dire-diretsong mura at paglukunwaring iyak galing kay Caia.

"Gusto ko rin, tanga! Ayos din kasi 'tong si Rebel eh, parang walang ginagawa sa buhay, puro lakwatsa." Napairap naman ako sa kawalan dahil sa sinabi ko. Umupo na lang si Caia at pinagpatuloy ang pag-aaral para sa long quiz.

"Nga pala, Caia," pagtawag ko sa atensyon niya, "Are you going to pursue your modelling career?" Kumunot kaagad ang noo niya pagtapos kong bitawan ang mga salitang 'yun.

"Oo! Matagal-tagal ko na rin 'yun pinag-isipan kasi marami-rami na rin 'yung nag-aalok. Paano mo nalaman?"

"Scarlett. She was so happy for you. Hindi mo ba nababasa 'yung group chat? Puro GIFs nga eh." Kumunot ang noo niya at agad niyang nilabas ang kanyang phone. Isang ngiti ang lumabas mula sa kanyang bibig.

"Do you support me in pursuing this career, Riot?" Tumango naman ako kaagad. Ayaw kong makitaan niya ako ng kahit konting pag-aalinlangan.

Gusto ko na maging masaya siya sa landas na tatahakin niya. It's her life, she just wants my support. Bibigay ko 'yun sa kanya bilang kaibigan.

RESPLENDENT | SEULMINWhere stories live. Discover now