05

424 32 30
                                    

RIOT FLEUR

"Ate Ri, saan tayo pupunta?" Mahinang tanong ng nakababata kong kapatid na si Ryder. Kakatapos lang ng performance niya sa school at bakas sa mukha niya ang pagod.

Bumaba ako para pumantay sa lebel niya. Hindi niya binitawan ang daliri ko. "Ryder, we're going to Ate Ri's practice today. Behave ka lang, okay?" Mabilis naman siyang tumango at inayos ko ang cap niya.

Hindi naman ako dapat ang sasama kay Ryder ngayon, pero wala kasi si Marita para mag-asikaso kay Ryder ngayon. Wala rin si Flynn para samahan si Ryder, masyado kasi siyang busy sa upcoming singing competition nila.

━━━━━

marita globe

MARITA GLOBE
mAm riOt, pAxeNxyA n hO kaU kC
hNd aQ nKpNta x pRfrmAncE n
rYdEr...

ME
okay lang 'yun, marita. naiintindihan
ko na may sakit 'yung bunso mong
kapatid kaya hindi ka pwede ngayon.
ganun rin naman gagawin ko kung
sakaling magkasakit si ryder. 🙂

MARITA GLOBE
nKu!!! sLmt tlG, mAm riOt. baWi aQ
x suSunOd.

━━━━━

Hindi ko maintindihan kung ano ba ang meron sa keyboard ni Marita na ang sakit-sakit lagi basahin ng mga messages niya. Kaya minsan mas pinipili kong huwag na lang kami magtext sa isa't isa.

Huminto ako nang makita ang isang dessert stall ng McDo sa gilid. "Do you want some ice cream? We can buy some before going to Ate Ri's practice." Napaisip saglit si Ryder bago tumango. Humagikgik pa siya bago tumango. How cute.

Napatingin ako sa relo ko. May oras pa bago magpractice, makakaabot pa naman ako. Medyo nagsisi akong pinauwi ko na 'yung driver namin, pero kung pwede naman lakarin saglit, bakit hindi?

"Uh, kuya, isa nga pong sundae cone." Tipid akong ngumiti habang kumukuha ng barya sa wallet ko. Pinasadahan ko ng tingin si Ryder at nakitang tahimik lang itong nakatayo habang magkadikit ang dalawang kamay at iginagala ang tingin sa daan.

Napatigil ang pagbantay ko sa kapatid ko nang may tumawag sa'kin. "Riot?" Inikot ko ang tingin ko para malaman kung sino 'yun. "Danger..." Nakangiti kong tawag sa kanya.

"Bakit nandito ka? Akala ko nasa studio ka na." Simple kong sabi habang kinukuha ang ice cream at binigay kay Ryder. "Thank you po." Hindi ko rin syempre nakalimutan magpasalamat kay kuya.

Bumaba ako para buhatin si Ryder. Hindi pa ganun kalaki ang baby ko kaya pwede ko pa siya buhatin. Natatakot kasi akong magkalat siya habang kumakain kaya mas maigi nang buhat-buhat ko siya para mabantayan ko.

"Papunta pa lang, nag-breakfast pa kasi kami ni Rose saglit dito," sabi niya na parang wala lang sa kanya.

"Ah! Danger, ito nga pala 'yung tinutukoy ko sa'yong nakakabata kong kapatid. Ryder, say hi to your Kuya Danger." Tumigil sa pagkain ng ice cream si Ryder para kumaway kay Danger. Pansin ko ang saglit niyang pagsuri kay Danger.

"Kuya, you look good with my Ate Ri." Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang mga hindi maipaliwanag na kung ano sa loob ko.

RESPLENDENT | SEULMINWhere stories live. Discover now