07

337 25 21
                                    

Ardent Chronicles @ardentchronicles
[ TRENDING ] Placard Doré's Riot Fleur Linley and Danger Blade Williams are doing a collaboration. The two have finally agreed to do a collaboration after years of working with each other. Fans of the two are giddy about this.

REPLY • RETWEET • LIKE6,969 replies • 56

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

REPLY • RETWEET • LIKE
6,969 replies • 56.9k retweets • 76.9k likes

eut atm @eupornia
Replying to @ardentchronicles
GAGO, I SHIP! ⛵🛳🛥⛴🚢

eut atm @eupornia
Replying to @ardentchronicles
EUT! EUT! EUT! #BlUr

eut atm @eupornia
Replying to @ardentchronicles
ANG JEJE TIGNAN NUNG HASHTAG HAHAHAHSHAHHSAJHSHAHAJAJAHSHSHAJAJAJ I KENNAT PUTA OKAY BYE

bulaklak ; snow @bjhdrafts
Replying to @ardentchronicles
ANG TAGAL NAMING HININTAY 'TO?!?! PAGKATAPOS NG ILANG TAON, BUTI NAMAN AT MERON NA.

kopiko @magkaperathree
Replying to @ardentchronicles
AYOWN EUT EUT EUT HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHA

━━━━━

"So, ganito 'yan, Riot." Sinimulan ni Danger ang paggawa ng demo. Habang ginagawa niya ang sayaw, ginagaya ko naman. Para kahit papaano matandaan ko paunti-unti.

"Nakuha mo ba?" Tumango ako nang isang beses at inilahad niya ang kamay niya. "Sige nga." Inulit niya ang tugtog at nagbilang naman ako sa utak ko habang sumasayaw.

Kanina pa kami nagp-practice ni Danger dito sa school studio. Kanina pa rin nagsialisan ang mga kasama namin. Pinaiwan ako ni Danger para raw masimulan na namin 'yung routine namin.

Medyo hinihingal ako nang tapusin ko ang sayaw. Binigyan niya ako ng tatlong palakpak. Oo, tatlo lang.

"Fast learner ka pa rin, Riot. Kahit nagpahinga ka from dancing, ganun pa rin ang pace mo." Hinagisan niya ako ng isang bote ng tubig na nasalo ko gamit ang dalawang kamay. Muntik pa nga dumulas sa kamay ko.

Humugot siya ng hininga habang nagpupunas ng pawis niya. Nakita ko naman na naglakad siya palayo kaya inulit ko ang sayaw na tinuro niya sa'kin.

Habang kinakanta ko ang tono ng kanta, nag-practice ulit ako. Ngayon, mas dama ko na ang bawat galaw. Mas may diin at lambot na ang sayaw.

Tumigil ako, hinihingal. Kinuha ko ang spare shirt ko na nakasabit sa railing ng salamin. Tumingin ako sa gilid, at nakitang nakatitig sa'kin si Danger habang nakasandal sa pader.

 Tumingin ako sa gilid, at nakitang nakatitig sa'kin si Danger habang nakasandal sa pader

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Uh, magbibibis na ako." Maasiwa akong sabi habang tinuturo ang pintuan. Kahit hindi pa niya ako sinsagot o binibigyan ng kahit anong signal, lumabas na ako ng room.

Pagkasara ko ng pintuan ay sumandal ako doon. What was that? Sanay naman ako sa mga titig ni Danger! Bakit ngayon lang ako kinabahan nang ganito?! I don't like it.

Sobrang abala ako habang nagbibihis, Na ang dating dalawang minuto lang na pagbibihis ay biglang naging lima. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin sa CR.

Haggard na haggard na ako tignan. Sinabit ko ang shirt ko sa balikat ko at inayos ang ponytail ko. Binuhusan ko rin ng tubig ang mukha ko para magmukang desente kahit papaano.

Paglabas ko ng CR, may isang Danger Williams na nakaabang sa'kin. Nakasabit sa kanyang balikat ang aking yellow na duffel bag habang ang kanyang backpack ay nakasabit sa kabilang balikat.

"I hope you don't mind. Pinalabas na ako kasi lilinisin na raw nila. Inayos ko na rin 'yung gamit mo." Tinanggal niya ang pagkasabit ng bag ko sa kanyang balikat at binigay sa'kin. Tahimik ko naman itong kinuha sa kanya at pinasok sa loob ang madumi kong damit.

"Hatid na rin kita pauwi. Medyo madilim na, baka mapaano ka." Is he telling me I can't handle myself? I can perfectly handle myself! Strong independent women do exist.

"Kaya ko naman sarili ko. I don't need to prove a point." Matabang kong sabi bago ayusin ang duffel bag ko sa aking balikat at naglakad palayo sa kanya.

"Hey, wait!" Hindi ako nakatingin pero alam kong tumatakbo siya papunta sa'kin. Hinawakan niya ang aking bisig at iniharap sa kanya.

"I know you can handle yourself. Pero ayaw ko lang mapahamak ka. I'm sorry if I insulted you in a way, but if that's my only way of protecting you, then I'm not going to be sorry at all."

Dahan-dahan niyang binitawan ang pagkahawak niya sa'kin. Inayos ko ulit ang duffel bag ko habang nilagay naman niya ang kamay niya sa loob ng bulsa niya.

"Okay, let's go." Tipid kong sabi na ikinangiti naman niya.

RESPLENDENT | SEULMINWhere stories live. Discover now