10

236 14 2
                                        

RIOT FLEUR

"Ate Ri!" Tumakbo si Ryder patungo sa'kin at bumaba ako para mayakap niya ako. Binigyan din niya ako ng isang halik sa pisngi bago kumawala sa yakap.

"Are you going to stay here, Ate Ri?" Tumango naman ako sa kanya at mahinang kinurot ang pisngi niya. "Ate Ri will stay here na. Ang lungkot kaya sa condo!" Binuhat ko siya at pumasok sa loob ng bahay.

Pinarent na lang namin ni Flynn pansamantala 'yung condo ko. Miss ko na rin magstay dito sa bahay kahit madalas wala sina Mama at Papa.

Ang unang bumungad sa'kin pagpasok ko ay si Jagger. Of course, bakit naman siya mawawala dito? Kinindatan niya ako pero inirapan ko lang siya.

"Please move on." Halos nagmamakaawa kong sabi sa kanya.

Nawala ang kanyang masiyahing ekspresyon at napalitan ng galit at lungkot. "Hindi naman kita pinipilit na magustuhan ako. Kung ayaw mo, okay lang, tatanggapin ko. Pero 'yung sabihin mo sa'kin 'yan? Riot, sobra na."

Nilagpasan niya lang ako at lumabas sa bahay. Panigurado ay magpapalamig 'yun. May masama ba sa sinabi ko? Ayaw ko lang na umasa siya.

"Ate, where is Kuya Jag going?" Tanong ng walang alam na bata na nasa aking bisig. "Just somewhere." Nilapag ko lang siya sa couch.

Tinanong ko si Marita kung nasa kwarto ba si Flynn at sabi niya'y kanina pa raw natutulog si Flynn. Baboy.

"Flynn!" Sigaw ko habang kumakatok sa kwarto niya. Nakalock din ito kaya wala ring kwenta kung buksan ko.

Pagbukas ko, bumungad sa'kin ang hindi kakagising lang na Flynn. Sabi ni Marita tulog 'to.

Magsasalita sana ako pero naunahan niya ako. "Ano ginawa mo kay Jagger?" Puno ng iritasyon at pagtataka ang kanyang boses. Sa'kin ba talaga siya magagalit? Ni hindi nga niya alam ano ginawa ko. "Ano ginawa mo at bakit nag-aaya na lang 'to bigla ng inuman?"

"I just told him that he should move on from me." Depensa ko sa aking sarili na mas ikinairita ni Flynn. "Bakit mo kailangan sabihin 'yun sa kanya? Hayaan mo na lang siya. 'Wag mo na lang siya pagsabihin sa dapat niyang gawin."

Napaawang naman ang bibig ko dahil parang pinaparating niya na kasalanan ko pa 'to.

"So it's my fault now? Sinabi ko lang 'yun dahil ayaw ko na dadating ang araw na pupunta siya sa'kin at sasabihin niya na pinapaasa ko siya or whatsoever. I don't want to be that kind of girl, Kuya. Pwede ba?"

Napailing na lang ako at naglakad papunta sa kwarto ko. I came here with all smiles, now I'm leaving with all frowns.

Bago man ako makapasok sa loob ng kwarto ay nagsalita ulit si Flynn. Akala ko tatahimik na siya. "Let the guy be, Riot. Kung dumating man 'yung araw na 'yun, hindi mo na kasalanan 'yun. You've done enough talking."

Hindi na lang ako nagsalita at sinarado ang pintuan ng kwarto ko. Bahala sila diyan! Kasalanan ko pa ba 'yun? Ayaw ko lang din masaktan siya.

━━━━━

jagger
@jagger_

jagger
riot babe. .

jagger
sorry, masyado akong oa.

jagger
riot, huy.

jagger
RIOT! 😢

jagger
fuck, ang oa ko talaga. nakagagago.

riot
can we talk? like seryosong talk?

jagger
oo naman. kailan mo gusto?
bukas?

riot
ngayon sana. .

jagger
iinom kami ngayon eh, pero sige.
papalate na lang ako ng kaunti.

riot
nagpapalate na pala ang nag-aaya
ngayon?

jagger
ikaw ang pupuntahan ko, hindi lang
'to kung anu-ano lang.

jagger
papunta na ako ulit sa inyo.

riot
don't. even. try.

riot
we'll talk tomorrow. kapag lunch ko
sa school.

jagger
okay. doon na lang tayo sa resto sa
tapat ng inyo. kkb ha?

jagger
mauubos pera ko ngayon eh. hindi
ko alam na maraming inaya 'yung
inaya ko. ☹

jagger
BUKAS LANG TAYO MAG-KKB. AKO
NA BAHALA SA SUSUNOD.

riot
jags, kaya ko sarili ko. may pera naman
ako.

jagger
fuck, ang dami ng pumupunta.

jagger
for the last time, i'm really sorry sa
inasta ko kanina. hindi ko alam ano
meron sa'kin.

riot
bukas na lang natin 'to pag-usapan.

riot
don't drink too much, please.

RESPLENDENT | SEULMINWhere stories live. Discover now