27

168 14 7
                                    

RIOT FLEUR

The first few days were extremely nerve-racking.

Ang hirap mag-adjust. Ikinalulungkot ko na bawat oras ay hinahanap-hanap ko si Danger pero mas nalulungkot ako dahil natantuan kong malayo siya sa'kin ngayon.

Shade even tried to cheer me up and accompany me everyday. Paulit-ulit na ako sa kakasabi ng salamat sa kanya.

"Why you sad?" nakangising tanong ni Shade sa'kin habang lumalapit na may hawak na tray ng pagkain.

"Danger," simple kong sagot. Napansin ko ang pagkapait ng mukha niya dahil sa sagot ko.

"'I don't know, nan molla' kasi dapat ang sagot." Sobrang hina ng bulong nito na hindi ko na talaga narinig.

"Ano?" pag-usisa ko. Matalim niya akong tinignan at kumagat sa sandwich niya. "Wala!"

Wala? Wala rin naman akong ginagawa!

"Oo nga pala," bigla siyang nagsalita habang tahimik kaming kumakain ng recess namin. "Sasama ka ba mamaya? Bar daw ah?"

Ngumiti ako nang walang emosyon bago sagutin ang tanong niya, "Pass tayo diyan. Alam mo naman sagot ko."

Kumunot ang noo ni Shade at inubos na niya ang sandwich na natitira. "Pass ka na naman?" Tila baboy ang pagkasabi nito dahil nagsasalita siya habang ngumunguya na hindi ko na napigilan ngumiwi.

"Riot, uso rin magpakasaya at hindi 'yung pinipili mong magpakaluklok sa kwarto mo gabi-gabi dahil lang wala si Danger."

And that's the problem.

They never know the pain, the yearning, and the patience I'm going through. They don't know how much I've been bothered. They don't know a thing.

"Masaya ako." May diin kong sabi at mukhang hindi siya naniniwala sa'kin.

Uminom ito bago tumugon sa sinabi ko. "Sasama ka sa'kin, sa ayaw at sa gusto mo."

Agad akong umiling sa sinabi niya. "Bawal! Mag-vivideo chat kami ni Danger mamaya, nagpromise siya."

And he really did fulfill what he promised to me that night.

I also find myself being sad randomly, even during class which don't come helpful.

You never know when to adjust your mood. Awhile ago, your chest might be feeling heavier than it was before then suddenly, you will feel esctatic like your chest didn't feel heavy at all.

Araw-araw naman kami nag-uusap. There were even short voice calls and they were more than enough for me. Kadalasan, nagsesend siya ng pictures niya sa'kin. Hindi na ako nagpatawad at sinave ko na lahat sa gallery ko.

━━━━━

Danger Blade Williams
Active now

DANGER BLADE
RIOT KOOOOO

DANGER BLADE
tignan mo 'tong binili ko kagabi.
hindi ko nasabi sa'yo. hehe.

DANGER BLADE

RIOT FLEURuy, ang sarap niyan ha?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

RIOT FLEUR
uy, ang sarap niyan ha?

DANGER BLADE
alin diyan? 😉

RIOT FLEUR
gago? :)???

DANGER BLADE
HAHAHAHAHAHAHAHHAA
HAHAHAHAHQHAHAH HAY
MISS NA MISS NA KITAAAA

RIOT FLEUR
umuwi ka na, please 😔

DANGER BLADE
UMUWI KA NA, BABY.

DANGER BLADE
wala akong kasama sa dorm
ngayon. tatawagin kita ngayon.

-

There was no hesitation in me before I accepted his call. It felt like high school all over again. That old exciting giddy feeling inside your body that you can never find the right words to explain it.

Parang kami nasa isang teen romance movie kung saan kausap ng babae ang kanyang minamahal ㅡ nakahiga sa kama at yakap-yakap ang unan habang pinipigilan ang kilig na umaapaw mula sa kanyang puso.

"Riot ko? I love you." 'Yun ang una niyang sinabi pagkasagot ko sa tawag niya. Ni hindi man lang niya ako binigyan ng panahon para makahinga.

Lahat ng emosyon na pilit kong tinago sa isang malaking lalagyan na hindi mabasag-basag ay tuluyan nang bumigay dahil lang sa limang salita.

"Hindi ako sanay nang wala ka sa tabi ko."

Ako rin.

Kausap kita pero parang may kulang. May hinahanap-hanap ako bukod sa boses mo lang.

Naging mahaba-haba ang usapan namin. Umabot kami ng higit pa sa isang oras. Kaso kinailangan siya doon.

"Riot? Tawag na lang ako ulit bukas o kaya mamaya. Kailangan na ako ni Coach."

Nalungkot ako nang sobra. Alam ko na kasama ito sa parte ng pagtanggap na may mga kailangan siya gawin doon. Oo, kasali ako sa priorities niya pero hindi ako 'yung una.

"Sure."

He heaved a heavy sigh. "I'm sorry. I love you. Tatawag talaga ako ulit bukas."

"Danger, okay lang, naiintindihan ko. I love you, too. Talk to you soon." Those weighty words are hard to say. I forced a smile so he wouldn't notice anything.

But he always notices. He always does.

━━━━━

Some might say, "Sandaling panahon lang 'yan," but in a span of 24 hours, countless events happen without them knowing.

You just can't know everything you want to know.

That's how it works.

━━━━━━━━━━

j: malamang, walang nakamiss sa'kin. tbh, minsan tinatamad na ako i-type 'to. minsan nakukuntento na ako na nasa utak ko na lang and i'm just making every scenario up. nakapapagod i-type lalo na't ang daming pinapagawa na kailangan ng written o printed outputs. pero sinusubukan ko magsipag dito kasi sobrang hinahanap-hanap ko na 'yung pagsusulat at sobrang namiss ko. i love you all!

RESPLENDENT | SEULMINWhere stories live. Discover now