RIOT FLEUR
"Would you rather live a life in reality or in fantasy?" he chuckled upon hearing my question.
Kanina pa kami naglalaro ng Would You Rather. Siya ang nagpasimula ng laro. Ayon sa kanya, itong laro ay makakapagsabi ng opinyon ng tao. He also said it's fun to play this game with a huge number of strangers, in that way you get to know them better.
"Fantasy?" tila hindi pa sigurado sa sagot.
Pinagpatuloy niya ang paghiwa ng ingredients na kakailanganin niya sa pagluto ng pasta ko. Ilang beses din namin 'yan pinag-awayan kanina kasi sabi ko okay na ako sa simpleng carbonara lang ngunit mas pinipilit pa niya na mas magarbo ang ipaluto ko.
Mayabang masyado.
"Bakit naman fantasy?" I asked, having another answer in mind.
"Fantasies make your dreams come true. Truthfully speaking, the more you want something, the less chances of you getting it. Fantasies, however, make everything you ever wanted come to life."
Tumango-tango ako sa kanyang sagot. I get his point.
"Ikaw?" he asked.
"Me? Oh, I'm a realist." I chuckled. "Harsh truths are always better than misleading lies. What happens, happens. That's life. May mababago ka ba sa buhay mo? Wala. So, walk your fate."
I shifted at my seat. Nakapalumbaba ako sa countertop habang pinapanuod si Danger kumilos. Sabi ko sa kanya na gusto ko siyang tulungan pero nagpumilit siya na siya na raw ang kikilos.
Kadalasan, nandito sa baba si Ryder kasama si Marita at naglalaro sila. Pero nang makita ni Marita na kasama ko umuwi si Danger, binuhat nito si Ryder at kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ni Ryder.
"Would you rather be alone in this lonely world or spend every running minute with me?"
Masyado akong nagulat sa tanong niya. Nagpunas ito ng kamay gamit ang basahan sa gilid at pinatong ang dalawa niyang kamay sa countertop, kaya napaiwas ako mula sa kaninang pwesto na nakapalumbaba.
"I'm waiting," mapang-asar nitong sabi sa'kin habang nakagilid pa ang ulo. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit ba?!" asik ko sa kanya. Inayos ko ang upo ko habang nakapalumbaba gamit ang isang kamay na lang.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya pero masyado siyang natutuwa sa nangyayari habang hinahanap ang mga mata ko.
"Tigilan mo nga ako! Magluto ka na lang diyan!" utos ko sa kanya habang tinuturo ang mga gamit sa likod niya.
"Just answer the goddamn question, Riot," tumatawang pilit niya sa'kin. Masyado ka atang natutuwa sa nangyayari ngayon, ha?!
"Fine! I'll spend every running minute wuth you!" dama ko ang unti-unting pag-iinit ng pisngi ko kaya tinalikuran ko siya at pumunta sa sala.
"You don't need to be shy, Riot. Hindi mo na kailangan itago 'yang nararamdaman mo para sa'kin." narinig kong asar niya sa'kin bago tumawa nang napalakas.
Damn guy.
━━━━━
Danger Blade Williams
Active now
Danger Blade set your nickname to riot ni danger. Change.
Danger Blade set his nickname to danger ni riot. Change.
YOU ARE READING
RESPLENDENT | SEULMIN
Short Story⠀❝i can't lose you, ever.❞ 〔 JIMIN x SEULGI 〕 ︰DISCONTINUED + NARRATION ︰BANGTANVELVET SERIES ︰IRIDESCENT SERIES ⠀DATE STARTED︰O6.16.18 ⠀DATE ENDED︰OO.OO.OO ⠀HIGHEST RANK︰O8.O9.18 - 83 IN SS
