-
"Mama, hindi ba talaga pupunta si daddy?" inosenteng tanong ko kay mama. "Mama pinagbutihan ko naman po sa klase eh. Kaya nga po ako naging top 1 para si Daddy ang mag sabit ng medal ko." malungkot na sabi ng walong taong gulang na ako.
"Ali anak, pag laki mo maiintindihan mo kung bakit hindi pwede ang Daddy okay?" tugon ni Mama.
Nakasanayan ko na yung ganito. Nung nakakuha ako ng award nung nursery, kinder at grade 1 ako, hindi kahit kailan sumipot si Daddy Philip sa kahit anong event sa school. Ang lagi lang sagot sakin ni Mama at Daddy kapag nagtatanong ako eh 'kapag laki mo, maiintindihan mo'.
"Gusto ko ng lumaki Aryesa!" pagmamaktol ko kay Aryesa.
Grade 3 na kami ngayong taon. Kaklase ko siya nung nursery hanggang ngayon. Malapit din ang bahay namin sa bahay nila, magbestfriend si Tita Fely; ang mama ni Aryesa, at ang Mama Alicia ko. Kaya mag Bestfriend din kami!
"Hala? Ako ayaw ko pa. Sabi kasi ni Mommy masarap maging bata!" tugon ni Aryesa.
"Gusto ko ng lumaki para maintindihan ko na kung bakit di pwede si Daddy na umattend sa mga event sa school. Naiinggit ako sa iba, sayo kasi laging andyan ang Daddy mo aryesa." malungkot kong sambit sa kanya.
"Ano ka ba! Kahit naman hindi umattend si Don Pelipe eh alam mo namang love na love ka niya!"
"Ssshhh. Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sayo." pagsuway ko sa kanya.
Lumipas ang ilang taon, nasa ika-anim na baitang na ako. Valedictorian ako ng aming batch! Umaasa ako na pupunta si Daddy at siya ang magsasabit ng medalya sakin.
Pero hindi. Wala pa din siya, kagaya ng mga nakaraang taon, si Mama lang yung nandyan para suotan ako ng medalya.
"Proud na proud kami ng Daddy mo sayo" sambit ni mama sabay halik sa ulo ko bago isuot yung medalya at ibalik ang toga. Nginitian ko lang si mama bilang tugon. Ngunit alam ko na alam ni mama na malungkot ako dahil hindi ko nakita si Daddy.
Umuwi kami sa bahay ng parang normal lang. May salo-salo kasama ang pamilya ni Aryesa.
Wala si Daddy. Napaiyak ako pagpasok ko sa kwarto ko. Hindi ko mapigilan yung sarili ko na hindi umiyak.
"Bakit ba wala lagi si Daddy tuwing may nakukuha akong parangal? Akala ko proud siya sakin?" malakas na sambit ko sabay hagulgol.
"Ali anak, proud si Daddy mo sayo. Kahit wala dito si Daddy mo sigurado ako proud na proud yun sayo." malungkot na ngumiti si Mama. Lumapit siya sakin at niyakap ako. Lalong bumuhos ang mga luha ko sa higpit na pagkakayakap ni Mama.
"Anak, wala dito si Daddy mo kasi may iba pa siyang responsibilidad sa kanila. Matalino ka anak, alam ko na mauunawaan mo lahat ng ito. Basta ang mahalaga, mahal na mahal ka namin ni Daddy mo ha?" Sambit ni Mama habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko.
Simula noon, naintindihan ko na. May ibang pamilya ang Daddy. Kaya ayaw din nila ipagsabi ko na ang Daddy Philip ko at si Don Pelipe ay iisa, marahil ay dahil sa kilala ang pamilya nila at ayaw nilang maisyu ang unang pamilya ni Daddy.
"Hoy Ali! Nung elementary pa namin hindi nakikita ang tatay mo ha! May Tatay ka ba talaga? O gawa gawa lang ng imagination mo ang 'daddy' mo kamo" panunukso ni Greg sakin at sabay hagalpak ng tawa.
BINABASA MO ANG
Anxious Heart - Self Published (AS#1)
General FictionAgatha Liondra Martina - COMPLETED Alonzo Series #1 Agatha Liondra Martina o mas kilala bilang Ali Martina. Ang dalagang walang ibang hinahangad kundi ang masaya at tahimik na buhay kasama ang kanyang Mama Alicia at Daddy Philip. Na kahit tatlumpu't...