Kabanata 5

288 25 3
                                    

-

Kagaya nga ng sinabi ni Yuan kanina, sinundo niya nga ako. Hindi nawala ang mga nakakalokong tingin ni Aryesa at ng iba ko pang mga kaklase. Syempre, kahit sino naman magugulat sa bigla bigla na lang paghatid sa akin ni Yuan, tapos ngayon sinundo pa ako. Hindi ako magtataka kung bukas kalat na sa buong unibersidad ang pag hatid at sundo niya sakin ngayon.

"Asan ang mga pinsan mo?" tanong ko dito.

"Are you looking for Lucio?" balik na tanong nito.

"Mga pinsan sabi ko, hindi si Lucio lang." sagot ko.

"Umuwi na." supladong sagot nito.

"Hindi sila pupunta kay Daddy?" nagtataka kong tanong.

"Hindi, may mga lakad sila." ang tipid naman nitong magsalita! Pakiramdam ko kailangan kong bayaran ang bawat salita na lumalabas sa bibig nitong si Yuan eh! Hindi naman ganito si Lolo, si Lucio. Well, may part kay Duke at Darwin na tahimik pero hindi naman matipid ang mga ito sa pagsasalita.

"So ikaw wala kang lakad? Kaya sasama ka papunta kila Daddy?" nagsalubong ang kilay nito.

"Meron akong lakad. At sino naman ang nagsabi sayo na papunta tayo kila Lolo?" diretso ang tingin ni Yuan dahil ito mismo ang nagdadrive ng itim na BMW nitong kotse. Habang ako sa tabi ng driver's seat ay amused na amused sa mga lumalabas sa bibig niya. "Why?" dagdag nito.

"Anong nakain mo today?" bakas sa mukha nito ang pagtataka sa mga sinabi ko.

"What do you mean?" nagsalubong mg muli ang mga makakapal na kilay nito.

"I mean...ano...ikaw, your not the usual you. Ano...kasi..ikaw, hindi ka namang dating ganito hindi ba?" kumunot ang mga noo nito.

"What do you mean, Agatha?" ngayon kinabahan na ako sa boses ng pananalita niya. Kung gaano ka linaw ang pagkakabigkas niya ng pangalan ko, ay ganon din ka linaw ang kaba ko.

"Nevermind. San pala tayo pupunta?" pag iiba ko ng topic, ayoko kasi magkaroon ng tensyon saming dalawa. Nakakatakot kasama itong si Yuan! Baka anytime, magtransform ito into beast!

"Skyranch." tipid nitong sagot pero walang bigat na pagkakasabi nito.

Agad akong naexcite sa sinabi niya! Hindi naman sa hindi pa ako nakakapunta, nakapunta na ako dito kasama si Daddy at Mama, pero hindi ako nakatry ng iba't ibang rides. Nagpicnic lang kami dito nila Daddy noon.

"You like it here?" tanong ni Yuan ng nakarating kami dito. Tumango ako sa kanya at ngumiti ng malaki 'tsaka tinaggal ang pagkakakabit ng seatbelt sa akin ay tuluyan ng lumabas ng kotse.

Nakauniform pa rin ako. White long sleeves at dark gray na vest, hanggang tuhod na palda na kakulay ng vest, medyas na kulay puti at black shoes. Ngunit kahit ganon ay ramdam ko pa din ang lamig!

Samantalang si Yuan ay naka puting tshirt na fit sa kanya, rason kung bakit kita ang mga muscles niya sa katawan, itim na slacks at leather black shoes. Natigil ang pagpapantasya ko sa kanya ng magsuot siya ng gray na jacket, ngunit nanatiling nakabukas ang mga zipper nito sa harapan.

"Why? Are you cold?" pagpuputol nito sa aking pag-iisip.

"Ahm..hindi..ta-ra na-a?" medyo natense ako doon.

Nagliwaliw kami sa Skyranch. Iba't-ibang rides ang sinakyan namin! Tumigil lang kami ng nakaramdam ako ng gutom kung kaya't napagpasyahan muna naming kumain. Nasa kalagitnaan na kami sa aming pagkain ng naalala ko sila Mama! Baka nag-aalala na iyon. Binitawan ko ang kutsara't tinidor na hawak ko at agad na hinanap ang cellphone ko sa loob ng bag ko.

"Why, Agatha?" cool na bigkas ni Yuan. Nako! Hindi ako nakapagpaalam sa mga magulang ko dahil diyan sa pagiging cool mo! Tsk.

"Hindi ako nakapag paalam kila Mama. Baka nag-aalala na sila!" kabado kong sagot sa kanya, pero gayun na lang ang gulat ko ng makita ko ang cellphone ko na walang ibang text na galing kay mama. Galing lahat kay Aryesa ang mga message na patungkol sa pambubuyo sakin kay Yuan!

"Pinaalam kita kay Lolo. Pumayag siya pati si Tita Alicia. Alam ni Lolo na gusto mong mamasyal kaya pumayag." sambit ni Yuan ng hindi inaalis ang tingin sa kanyang pagkain.

"Thank you, Yuan!" masaya kong sambit. Pero hindi man lang ako nakakuha ng kahit na anong tugon galing sa kanya. Nagkibit balikat na lang ako at kumain ng muli.

Pagkatapos naming kumain ay nagyaya na akong umuwi, ngunit ang sabi ni Yuan ay may isa pa kaming sasakyan, at iyon ay ang ferris wheel! So, sino ba naman ako para tumanggi hindi ba? Kahit naman hindi ngumingiti at hindi ako masyadong kinakausap nito ay hindi ako hihindi kung may sinabi ito.

"Tara?" agad naman akong sumunod kay Yuan sa pagpasok sa air-conditioned ferris wheel cab.

Dahil maginaw na dito sa tagaytay, ay mas lumamig pa dahil sa aircon nitong ferris wheel cab! Mag nonote na nga ako na magdala ng jacket everyday, for emergency purposes.

"Your cold." hindi na tanong, statement na talaga ang pagkakasabi nitong si Yuan.

Laking gulat ko na lumapit sa sa likuran ko, at binigyan ako ng init este back hug!

Ang kaninang lamig na nararamdaman ko ay napalitan ng kaba at init dahil sa pagyakap niya sa akin. Para kaming nasa koreanovela sa lagay na ito.

"Relax Agatha. Don't mind me. Just enjoy the view." taliwas sa Yuan na nakilala ko, hindi cold at strikto. Bagkus malambing at nakakapanlambot! Enjoy the view mo mukha mo! Hmp.

At ganun nga ang ginawa ko. Nakatayo lang ako at dinadama ang mga yakap niya, ramdam ko sa likod ko kahit na may longsleeves at vest pa ko-at t-shirt pa siya--ang init ng katawan niya. Hindi ko pwedeng ipagkaila na nakakarelax ang ganito habang nakatingin sa magandang tanawin ng tagaytay.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na hindi talaga ako isang tunay na Hermosa o ano...para akong baliw sa oras na ito. Dapat siguro isaksak ko sa kukote ko na..niyayakap ako ni Yuan dahil nilalamig ako. Tama!

Ali, wag kang malandi! Bulong ko sa aking isip. Yun naman talaga ang dahilan ni Yuan kaya ako niyakap! Para akong baliw!

Ramdam ko na malapit na muli kami sa baba dahil sa unti-unting pagkawala ng mas malawak na tanawin na makikita lang itaas kung kaya't tinaggal na ni Yuan ang pagkakayakap sa akin.

"Feeling better?" casual na tanong nito. Tumango lang ako bilang tugon.

See, Normal lang yun para kay Yuan. Baka nga ginagawa niya ito sa mga pinsan niyang babae, sa mga tita niya? Sa mama niya? O kaya kay Donya Minerva. Napabuntong hininga ako doon.

"You tired?" tanong ni Yuan habang naglalakad na kami pabalik sa kotse niya.

"Medyo, pero nag-enjoy naman ako ng sobra. Thank you, Yuan!" sabay ngiti ko sa kanya. Tinanguan niya lang ako at tuloy-tuloy na ang paglalakad namin papunta sa kotse niya.

-

.

Anxious Heart - Self Published (AS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon