-"Daddy, ano po ang gusto niyong ulam? Ako po ang magluluto." tanong ko kay daddy.
Dahil araw ng linggo, ay walang pasok. Kung noon ay umaalis kami ni Aryesa para mamasyal, ngayon ay nandito ako sa bahay para alagaan si Daddy.
Alam kong matanda na si daddy, sa edad na pitung-pu't apat na taong gulang ay kitang kita na sa itsura nito ang panghihina, lalo na ngayon na inatake siya sa puso. Mabuti nga at binigyan pa kami ng pagkakataon na makasama si Daddy ng matagal.
"Lolo!" sigaw ng isang babae na marahil ay kaedad ko lamang o hindi nalalayo ang edad sa akin.
"Rebecca apo!" natutuwang sambit ni Daddy. Dumating ang mga apo nito na sila Rebecca, Luisa, Lucio, Darwin, Duke at Yuan. Ilan lang sa labindalawang apo ni Daddy. Ang ilan sa kanila ay kaedad ko lang, pero mas madami ang mas matanda sa akin.
"Ali anak, ito ang mga apo ko. Mga apo, ito si Ali ang anak ko." pagpapakilala sakin ni Daddy. Ngumiti ako sa kanila, ang mga babae ay ngumiti ngunit halata na pilit iyon. Ang mga lalaki namin ay tinanguan lang ako, ngunit si Lucio ang tila ang pinaka tanggap ako.
"Nakikita kita sa school! Kung alam ko lang na anak ka ni Lolo edi sana nakakasama ka samin" nginitian niya ko ng malaki na walang bahid na kaplastikan.
Dahil wala si Lucio noon sa hospital ay marahil hindi niya pa alam na hindi talaga ako kadugo ni Daddy. Ang rason kung bakit lalo nagalit samin ang mga matatandang Hermosa.
"Ali anak, gusto ko ng tinola anak. Nais kong humigop ng mainit na sabaw." nakangiting sabi ni daddy.
"Wow! Ikaw ang magluluto? Ako naman Tita Ali, gusto ko ng Adobo na walang sabaw! Alam mo ba kung pano lutuin iyon?" tanong ni Lucio na siyang kinagulat ko! Hindi dahil sa nirequest niyang lutuin ko, kundi ang tawag niya sa akin!
Seriously, Tita? Ang awkward lang dahil sa tantsa ko ay mas matanda sakin si Lucio.
"Stop calling her Tita, Lucio!" sabat ni Yuan.
"What brother? Anak siya ni Lolo, definitely kapatid siya nila Mommy, Step daughter ni Lola. So, we should call her Tita right 'lo?" inosenteng tanong ni Lucio.
"Wag ka ngang tanga, Lucio! Mas mukha kang tiyuhin ni Ali!" natatawang sambit ni Darwin. At nagtawanan sila. Kahit papano ay nawala ang namumuong tensyon kanina.
"Ali anak, sige na. Magluto ka na. Ganyan talaga yang si Lucio, may pagka-Tanga." salita ni Daddy na lalong kinatawa ng lahat. Si Lucio naman ay napakamot na lang sa ulo.
Nagtungo na ako sa kusina. Si Mama ay nasa likod bahay namin at naglalaba kaya ako ang nakatoka para magluto.
Nagsalang na ako ng sinaing na kasya sa aming lahat at nagtungo sa ref para kunin ang mga sangkap ng tinola at adobo na nais ni Lucio.
Habang naggagayat ako ng papaya ay naisip ko na mukhang hindi ako mahihirapan makihalubilo sa mga Hermosa. Lalo na ngayon na nalaman ko na hindi naman kasing sama ng mga matatandang Hermosa ang mga batang ito. Lalo na si Lucio na may pagka sira ulo.
"Why are you smiling?" ani ng isang baritonong boses na nagmula sa gilid ko.
"Jusmiyo!" napahawak ako sa dibdib ko sa gulat ko kung kaya't nabitawan ko at nahulog ang kutsilyo at muntik pang masaksak ng talim ang paa ko kung hindi ako hinigit ni Yuan palayo doon.
"Be careful!" ani nito.
"Ba't ka ba kasi nanggugulat?" tanong ko pero hindi ako nakakuha ng sagot. Pinagpatuloy ko na lang ang paggagayat ng sangkap habang si Yuan ay nasa gilid ko at pinapanood ako.
BINABASA MO ANG
Anxious Heart - Self Published (AS#1)
General FictionAgatha Liondra Martina - COMPLETED Alonzo Series #1 Agatha Liondra Martina o mas kilala bilang Ali Martina. Ang dalagang walang ibang hinahangad kundi ang masaya at tahimik na buhay kasama ang kanyang Mama Alicia at Daddy Philip. Na kahit tatlumpu't...