36

6.2K 134 5
                                        

Aphrodite POV

Nakaupo ako sa aking kama habang nilulunod ang sarili ko sa kawalan,

"A-Anak. Please maniwala ka. Hindi totoong saya ang nararamdaman mo ngayon sabihin mo na lang k-kay mama.. Kung anong nasa loob mo.. M-Makikinig ako. Ha.. Makikinig si mama." napailing ako saka napahiga na ng tuluyan.

Hindi pa rin kasi maalis ang panggigigil ko sa aking sarili, ewan ko ba para akong baliw na nahahati ang emosyon sa galit at saya.

Una masaya ako sapagkat naipakita ko sa kanila ang bagong ako, na hindi ko na hahayaan masaktan at talikuran lang nila ako pero nakaramdam din ako ng galit dahil habang naaalala ko ang aking mga pinanggagawa sa aking ina tulad ng pagsalitaan ito ng masama at itulak ito palayo ay hindi ata isang karapatdapat na gawin,

Sa totoo lang nung sabihin niya na gusto niyang makinig ay halos gusto ko ng yakapain siya ng mahigpit at ikwento sa kaniya ang lahat.

Gusto kong magsumbong pero ayoko ng umasa ayoko na rin ipagsiksikan ang aking sarili sakaniya. Dahil Ano pa ba ang magagawa ko kung mismong ang ama ko ang may ayaw akong tanggapin.

Si mama lang naman ang may gustong gawin yon at kapag magpapadala ako sa sinasabi niya ay magkakaroon lang ng gulo. Saka isa pa masaya narin naman ako dito dahil kapag andito ako nagiging malaya ako sa ano mang gusto kong gawin, at ang pinakaimportante sa lahat ay magagawa ko nang maghiganti.

Nagising ako mula sa aking pag-iisip nang marinig ko ang ingay na nagmumula sa aking cellphone na nakapatong sa itaaas ng bedside table ko..

"Shit." Mura ko bago kinuha ang cellphone na hindi ata ako hahayaan na makapagpahinga.

"Hello?" Walang ganang sambit ko at nakatingin ako sa kisame.

"Hello Miss Aphrodite." Narinig kong sambit ng taong nasa kabilang linya kaya agad akong napabangon

"Mr. Scott why did you call me?, nakuha mo na ba ang impormasyon na kinakailangan ko?" Buong pananabik kong sambit dahil gustong-gusto ko ng malaman ang lahat at kinakabahan din ako ng kaonti na baka hindi ko magustuhan ang sasabihin nito.

"Yes miss Aphrodite n-nakuha ko na ang gusto niyong malaman. Si Rico Asunzion ay nakakulong ngayon dahil sa madaming kaso ng pagpatay at pagiging ugnay nito sa mga kalakaran ng pagbebenta ng laman at droga at sa aking pagkuha ng mga impormasyon nalaman ko na siya'y may nabanggang isang kotse at tumugma iyon sa kotseng sinasakyan niyo noong mga panahon na naglayas kayo, at base rin sa pagkatagpi-tagpi ng mga naganap ay natakot ito sa posibleng kakaharapin kapag iniwan niya kayo. Kaya nga kinuha ka niya at dinala sa hospital ngunit nanatili kayong tulog ng ilang buwan. Kaya ginusto ka na lang patayin ni Rico and pero hindi pumayag ang doctor lalo na't nalaman nilang nagdadalang tao ka kung saan isa iyong milagro at sinabi ng doctor na siya na ang bahala sa gastos mo sa hospital kaya nanatili pa kayo sa hospital ngunit nung malapit na ang bata sa sinapupunan niyo na maging siyam na buwan ay bigla na lang kayo naglaho sa hospital at hindi na nalaman ng doctor kung saan kayo nagpunta dahil tinago na kayo ni Rico. At hindi na nalaman kung anong nangyari sa batang dinadala niyo pero sa tingin ko ma'am inalis na niya ang bata sapagkat malaki ang bayad kapag pinagpatuloy niyo ang pagbubuntis at sa mga gaya niyang mukhang pera..-- " Para akong nawalan ng lakas. Hindi ko malaman ang aking dapat maramdaman. I became numb dahil sa sobrang sakit masakit dahil umasa na naman ako. Pero sana di na lang dahil mas masakit pala na marinig muli iyon sa pangalawang pagkakataon na wala na.

Na patay na siya.

"P-Pero m-maari ring buhay pa siya diba?" Gustong-gusto kong takasan ang bangungot kung saan sinasabi sakin na wala na ang anak ko dahil para sakin buhay pa siya.

Knife That Cuts DeepMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon