48

6.2K 140 18
                                        


Aprodite POV

Three days have passed and no trace of Neon kaya sinusubokan ko na lang din humanap ng tahimik na lugar ayoko na rin kasi na maramdaman yung tila may bumabagabag sa'kin.

Ewan ko ba pero naiinis ako dahil pagkatapos niya kasing sabihin yung mga salitang nagpagulo sa mundo ko ay ito na naman siya ayun para na namang bulang nawala.

Tsk he's still the same.

Isa pa rin siyang gago ni hindi man lang niya naisip kung anong ginawa niya sa bwesit kong isip.

Ni hindi niya alam na parati akong hindi makapag-isip ng tama dahil parating tumatakbo sa isip ko ang mga sinabi nito.

Napabuntong-hininga ako at napaupo ako sa isang swing na nakita kong bakante nasa isang play ground kasi ako at naisip kong dito pumunta dahil hindi na ito masyadong dinadalaw ng mga bata saka isa pa pupunta ako ngayon sa bahay ni Alex na malapit lang sa kinaroroonan ko ngayon.

At konting lakad lang ay makikita ko na ang bahay nito.

Kailangan ko rin kasi ng makakausap at dahil hindi ito pumasok ay napag-isip isip kong pupuntahan ko na lang ito.

Alam kong sasapakin talaga ako nung bruha ayaw kasi non na pumunta ako sa bahay niya gusto non ay magpaalam muna ako pero minsan kapag sasabihin ko nang pupunta ako sa bahay niya ay sasabihin lang nitong wag na at papunta na siya sa bahay ko ewan ko ba sa bruha na 'yon may kinidnapped atang boylet at tinatago sakin Pero ngayon susupresahin ko talaga siya bahala siya dahil kailangan na kailangan ko talaga ang mabunganga nitong bibig.

Kung hindi lang sana napurnada ang plano ko.

Edi hindi ako magkakaganito, kung hindi sana sinabi ng lalaking yon ang mga salitang yon sana hindi ako malilito ngayon.

"Last night was memorable at may napagtanto ako. I can't let you go. Hindi ko kayang makita kang nasa bisig ng iba. Hindi ko ata makakayang isipin na ang naramdaman ko kagabi ay iba na ang makakaramdam, at hindi ko kayang isipin na iba na ang mag-mamahal, mag-aalaga, aangkin sayo at mas lalong di ko kayang maisip na iba ang makakasama mo sa pagbuo ng pamilya kaya Arriane kahit maniwala ka man o Hindi ang nangyari ay hindi lang isang sex. I did Put my emotion in it at sasabihin ko sa'yo hinding-hindi ako titigil hangga't hindi mo ko mapapatawad."

I don't know what I should feel about the things he had said.

Kung sana lang hindi kami napunta sa ganitong sitwasyon kung saan pawang bihag kami ng nakaraan edi sana madali ko lang siya mapapatawad pero hirap eh dahil nawalan ako at nasaktan kaya hirap talagang maniwala rito lalo na kung ang parehong bibig na nagpaniwala at nanakit sakin noon ay parehong bibig na nagbibitaw ng mga pangako at madamdaming mga salita.

He sliced my heart with the reality, mga salita nito noon na nagbigay ng malalalim na mga sugat at ang mga pekeng pag-asang pinaramdam nito sa'kin ay mas nagdagdag ng mga pasa.

Kaya hindi ko na alam kung kaya niya pa iyon pagalingin, dahil kung ako lang ang tatanongin ay pagod na ako. At ayoko na.

All I want now is to rest st ang makuha ang gusto ko gusto kong magsisi ito at nakuha ko na naman iyon diba? I can see that he is now regretting sa lahat ng mga ginawa niya pero hindi ko naman gusto na magsisi ito to the point na gusto nitong bumawi.

Knife That Cuts DeepMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon