50

7K 153 64
                                        

Aphrodite POV

"W-What?! Sinasabi mo bang 'y-yung batang nakita ko noon na nakasama ng kapatid ko ay a-anak ko?!" Hindi ako mapakapaniwala sa aking narinig g-ganoon na ba talaga ako kamalas.

Lahat na lang pala nakuha ni Xianne sa'kin pati ang anak ko ay aangkinin pa nito.

"I-I'm sorry." Ayan na naman ang nakakabwesit na salitang parati ko na lang naririnig SORRY?! Ni hindi nga non maalis ang sakit, ni hindi no'n matatakpan ang kaniyang kasalanan

"S-Sorry?! A-Alex naman! Hindi mo lang alam kung gaano kahirap para sakin ito! Dahil hindi ko matanggap Na nagawa mo ito! Ang itago sa'kin ang aking mga anak ng ganito katagal! Para mo kong hinati! Hindi mo alam kung gaano ako pinapatay ng mga nalaman ko ngayon! At mas lalong hindi mo alam ang pakiramdam na ganito dahil hindi ka ina! Hindi mo alam ang pakiramdam na hindi niyo makilala ng anak mo ang isa't-isa! At mas lalong hindi mo alam ang pakiramdam na marinig mo sa anak mong may tinatawag na siyang ibang ina ng hindi mo man lang alam na siya ang batang matagal mo ng gustong makasama." Napahinto ako sandali at napahikbi saka ako napayakap ng mahigpit sa anak ko. Natatakot akong baka may bumawi na naman dito ngayon pa na akala ko'y tapos na pero andito na naman may dahilan na naman ako para mangulila.

M-My son....

"Pero alam mo kung anong mas masakit? 'Yon ay ang huli ko na malalaman na ang totoo pala'y ma'y iba siyang pinapasaya, minamahal dahil wala ako sa tabi niya! Kaya Ngayon sabihin mo paano ko siya haharapin? Paano ko haharapin ang anak ko! Paano ko siya mababawi? Paano kung hindi niya ako matanggap? Ikaw inaakala mo lang madali ang lahat! Dahil Hindi ikaw ang masasaktan Alex . AKO! Dahil hindi naman ikaw ang tatanggihan! Hindi naman ikaw ang hindi papaniwalaan at mas lalong hindi ikaw ang makakaramdam ng may kulang! At mas lalong hindi ikaw ang hindi sasabihang sinungaling! Dahil A-Ako na naman ang masasaktan! Ako na naman! Puro na lang ako! Kailan ba talaga ako sasaya!" Napatakip ito ng mukha at humagulgol sa harap ko kaya nakaramdam din ako ng konting awa dahil kaibigan ko parin naman ito pero nanaig ang galit ko kasi ang laki ng kasalanan na ginawa nito.

Knife That Cuts DeepMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon