56

6.4K 166 9
                                        

Neon POV

Nang makapasok ako sa kwarto ni Arriane ay dali-daling tinakbo ako at sinalubong ng yakap ng aking babaeng anak.

Ngunit kahit hinihingal pa rin ako ay hindi iyon naging hadlang dahil inilibot ko ang aking paningin hanggang sa dumapo ang tingin ko sa nakahiga at walang malay na si Arriane.

Napalunok ako.

"A-Anong nangyari?" nanghihinang sambit ko sa kanila andito kasi lahat ang kapatid ni Arriane at lahat sila ay may hindi mabasang expression na nakapaskil sa mga mukha.

Even Mr. Zandor is looking at me with unreadable emotions.

Napatingin naman ako kay Xianne na ngayon ay may pag-aalalang nakatingin sa'kin.

"S-Si m-mama nahimatay siya kanina." Umiiyak na sabi ng anak ko kaya bumuntong-hininga ako.

"Sige iiwan muna namin kayo huwag kang mag-alala napagod lang si Arriane." sambit ng kapatid ni Arriane na si Rein at saka nito hinila ang dalawa pa nitong kapatid para hindi na makaprotesta ang mga ito. Si Xianne naman ay umalis na rin habang hawak ang anak nito.

"Roux halika kana Iwan muna natin sila." Sambit ni tita Raven kaya nagtaka rin ako kung bakit? Kasi hindi naman nila ako hinahayaan na makalapit kay Arriane kapag nandito sila pero ngayon nakakagulat na hahayaan nila ako.

"Swerte ang lalakeng 'yan! Kung hindi dahil sa mga apo natin baka pinapatay ko na 'yan." Halos mabulunan na ako sa sarili kong laway nang makita ko ang sama ng tingin ni tito Roux sa'kin pero sa huli ay nagpahila rin ito kay tita hanggang sa kami na lang natira ng aking mga anak na si avianne na nakayakap pa rin sa binti ko at si Gearo na nakaupo sa gilid ng kama.

Watching his mom na may pag-aalala.

Napapikit ako sandali saka ko kinarga si avianne at saka ako naglakad papalapit sa kama na kinahihigaan ni Arriane. At saka ako umupo sa tabi ni gearo habang si avianne ay nakakandong sa akin.

"Papa hindi ba okay lang naman si mama?" Inosente ngunit puno ng pag-aalalang tanong ni Avianne kaya tumango ako dito at hinaplos ang buhok nito. Sa isang buwan na dumaan ay mas napalapit na ang mga ito sa kanilang ina. Sino ba namang hindi eh kung lahat ay binigay na ni Arriane. She always show her love to our children.

Minsan nga natutuwa akong panoorin silang naglalaro, kasama ang kanilang ina and every night I always see her kissing their forehead and telling them stories and the important thing is that she always bond with the kids nang walang kapaguran basta ba makita niya lang tumatawa ang aming mga anak na tila ba pinupunan din nito ang mga araw at panahon na nalayo sak aniya ang mga ito.

At sa mga araw rin na 'yon ay mas nakilala at nakita ko kung sino talaga si Arriane.

Ang babaeng mapag-mahal at maalaga at sa nakita ko ay mas minahal ko siya.

"Oo naman okay lang ang mama mo dahil malakas ito kaya tiyak mamaya ay gigising na siya." Gusto kong mainis sa sarili ko dahil sa dalawang araw na hindi ko sila binisita baka nga napagod si Arriane sa kakaalaga sa mga bata ng walang tumutulong sa kaniya. Gusto ko nga na sapakin ang sarili ko.

"Kung ganoon edi dapat pag-gising niya ay may food siyang kakainin baka kasi nagutom si mama." Masiglang sambit nito at umalis sa pagkakandong sa akin. She even clapped her hands na tila ba may naisip itong isang magandang ideya.

"Sige punta muna ako sa baba. Sasabihan ko si manang na magluto kami ng food dito muna kayo papa. Pero dapat walang away ha? Lalo ka na kuya wag mong awayin si papa." Nagpout ito at nameywang sa harap namin. Making me smile because of her cuteness

"Tsk hubdi ako nang-aaway st pwede ba kung aalis ka liit gawin mo na. Wag kang magpacute hindi bagay para kang isang sisiw." Umirap si Avianne sa kapatid nito na hindi man lang nag-aksayang lingonin ang naaasar na prinsesa.

Knife That Cuts DeepMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon