Aphrodite POV
Nakarinig ako ng ingay At mga singhapan ngunit hinang-hina na ako at walang ginawa kundi yumuko at hayaan ang aking mga luha na umagos.
"A-Anong ibig sabibin ng sinabi mo anak? Sabihin mong mali ang naiisip ko." nakakatawa na ngayon lang muli ako natawag na anak ng aking ama.
Ngayon pa kung kailan nalaman niya ang mga nangyari sakin at nakakatuwa rin na nababakasan ng desperasyon sa boses nito
"Naaksidente ako at ang taong bumangga sa sinasakyan ko ang taong nagkupkop sa'kin siya ang nagbayad ng gagastusin sa hospital ngunit dahil sa laki ng babayaran at dahil hindi pa ako nagigising mula sa pagka-coma ay nagdesisyon itong tanggalin na lamang ang buhay na nasa sinapupunan ko at ang masakit wala ako magawa papa at ang masakit ay alam kong gustong-gusto ng anak ko ang mabuhay dahil gabi-gabi kong naririnig ang anak kong humihingi ng tulong ang hindi ko maintindihan noong una kung bakit lagi siyang nasa panaginip ko pero sa huli nalaman ko rin. Nalaman kong tinanggal nila ang bata kasi may plano sila at hindi nila ako mapagkakakitaan kung hahayaan nilang mabuhay ang bata. Hindi mabebenta ang katawan ko kung may sagabal." Napayakap ako sa aking tuhod habang nagsisimula na namang maglaro sa aking isipan ang iyak ng aking anak at kung paano ito humingi ng tulong.
"P-Papa gustong-gusto ko siyang buhayin. Gustong-gusto ko siyang makita at makasama siya na lang ang meron ako pero kinuha pa rin siya mula sa'kin. Kaya sabihin mo papa bakit ako na lang lagi? Bakit hindi ako naman ako ang tatalikod? Bakit hindi naman ako ang magpaparusa? Bakit hindi naman ako ang maging masaya? Ilang iyak ba ang dapat kong gawin? Ilang tao pa ba ang mananakit sa'kin? Kasi papa kung meron pa baka hindi ko na kayanin hindi ko na kayang mawalan kasi wala na akong mabigay. Hindi ko na kayang maging masaya kasi wala ng magbibigay no'n sa'kin at mas lalong hindi na ako pwedeng magmahal kasi wala ng naiwan sa puso ko kundi galit at pighati at noong umuwi ako papa. Ninais kong magsumbong sa'yo. Gustong-gusto kong umiyak at humingi sa'yo ng tulong pero papa. Pinaalis mo ako. Pinaalis mo ako na puno pa rin ng sakit ang puso ko at alam mo ba na itong anak mo ay ilang ulit nilang sinaktan at pinahiya? Papa pinahubad nila ako sa harap ng madaming tao, sinaktan nila ako kapag hindi ako sumusunod. Ilang ulit ko ba dapat isigaw ang pangalan mo? Ilang latigo, sipa suntok ba ang hahayaan kong dumapo sa'kin para mapansin niyong may isa pa kayong anak at na andito si Arriane naghihintay ng kakaramay sa kaniya, papa sana pala namatay na lang ako.. Kung ganito na lang lagi. Ako na lang lagi ang nasasaktan."
Nakarinig ako ng mga yapak at nagulat ako ng maramdaman ko ang mainit na bisig na pumalibot sa'kin. Ito yung bisig na matagal kong pinangarap na maramdaman muli.
Pero bakit ngayon lang?
"I-I'm sorry wala ako roon sa mga araw na sinaktan ka nila anak. Sorry kung pinagtabuyan kita---" kahit gustong-gusto ko ang ginagawa nito ay nagpumiglas ako upang makalayo rito at dali-dali akong tumayo. Kahit nanginginig at tila mabubuwal ako sa aking kinatatayuan ay ginawa ko pa rin ang lahat para makaya ko ito muling harapin.
"Sorry? Papa huli na 'yang sorry mo! Kasi tignan niyo kung sino ako ngayon. Wala ng natira papa. Arriane is long gone. Hindi ba si Xianne ang kaisa isa niyong anak? Hindi na nga ako kasali diba? T-Teka sino ba naman ang tatanggap sa'kin. Isa akong maduming babae! Ni hindi ko makayang tignan ang sarili ko o isipin na itong katawan na ito ay pinagnasaan ng marami! At alam mo. Isa rin akong mamamatay tao! Kasi pinatay ko sarili kong anak. Hindi ko siya niligtas." Huminto ako sandali at napatingala. Fighting those tears.
"Kaya maswerte ka ate ang swerte swerte mo. Kasi ikaw ang minamahal ng lahat. Ikaw yung biniyayaan ng mga bagay na pingarap kong magkaroon at iyang anak. Oh hindi ba papa andiyan na ang pinangarap mong apo? Andiyan na ang saya hindi ba?" Napaatras ako at hindi ko inasahan na tatama ang mga mata ko sa mga kapatid kong lumuluha rin at ang huling taong tinignan ko ay ang lalaking nagsimulang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Knife That Cuts Deep
Romance"We didn't made love you hear me?! It's fuck! O hindi mo pa rin ba maintidihan dahil sa kabobahan mo! E' 'di sana 'yang taba mo ay mapunta sa utak mo nang matauhan ka na." "I have fucked you even though I wanna puked in disgust. So you need to stay...
