37

5.9K 129 0
                                        

Aphrodite POV


Napalabi ako at napakagat ako sa dulo ng aking hintuturo, kanina pa kasi ako andito sa loob ng aking kotse at hindi ko kayang lumabas saka binibuo ko pa ang tapang sa puso ko para maharap sila.

Dahil Iniisip ko pa lang na makakaharap ko sila ay natatakot na naman ako lalo na sa mga posibleng reaksyon nila Pero ilang ulit ko na itong pinag-isipan at nangako akong susubukan ko muli.

Napalundag ako sa aking kinauupuan ng biglang tumunog ang bagong cellphone na binili ko.

"Hello." Mahinang sambit ko dahil hindi naman kasi nakaregister ang phone number na tumatawag sakin..

"Hoyy bruha sabi ng lola mo fighting! Wag na wag ka daw aatras kundi makakatanggap ka ng sapak mula sa kaniya." Napailing ako sa aking narinig bwesit si Alex lang pala at baka nga binigay ni lola ang bagong cellphone number ko sa baklitang ito kaya nagagawa ako ngayong kulitin ng baliw na ito.

"Teka asan ba si lola bakit ikaw ang tumatawag sakin ngayon?" Nagtatakang tanong ko at narinig kong bumuntong hininga si Alex..

"Naku okay kami girl sadyang 'tong lola mo abay gusto magpaka-bagets andito kami sa salon at kanina lang nagshopping kami at sinasabi ko sayo nakakapagod kasama ang lola mo dahil grabe kulang na lang bilhin ang mall sa dami ng binili nito at take note ako ang naging kargador nito. Bwisit sayang beauty ko." Mahina akong natawa at narinig ko pa ang sigaw ni lola.

"Huyy bakla ka! babawasan ko talaga sahod mo! Sabihin mo sa apo ko na kapag sinaktan siya sabihin sakin kasi kahit hindi pa ko tapos magpabeauty susugod ako riyan at ipapakita ko sa kanila ang aking kaalaman sa karate!" Narinig kong nag-mura si Alex habang ako ay hindi mapigilan na mapangiti kahit kailan talaga itong lola ko masyadong supportive

"Narinig mo na bruha nakakatakot itong lola mo so basta ha kaya mo 'yan sige mag-iingat ka ako na bahala sa lola mo. Handa akong magpapaalila basta ba walang bawas ang sahod ko. Ang dami pa naman ngayong boylet na nagtetext sakin so bye bye!"

"T-Teka--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig ko ng natapos na ang tawag.

Bwesit binabaan ako ng tawag ng lokong 'yon.

"Ano na ang gagawin ko ngayon?" Napatingin ako sa malaking gate ng bahay na tinuring kong tahanan simula bata pa ako hanggang sa matuto akong magmahal.

Napapikit ako at napasandal sa driver sit

Ngunit jindi nagtagal ay agad rin akong napamulat nang makarinig ako ng mahihinang katok mula sa bintana ng aking kotse at doon nakita ko ang isang tao na kilalang-kilala ko laya kahit kinakabahan ay binaba ko ang tinted na bintana.

"Arriane?" Napasinghap ito ng makita ako at nakita ko rin ang saya sa mga mata nito.

"Manang Joy!" Masiglang pahayag ko at binuksan ko ang pinto ng aking kotse saka lumabas at hindi ko mapigilan na mapangiti nang bigla ako nitong yakapin.

"Miss na miss kita Arriane. Hindi talaga ako naniwala na namatay ka sa aksidente patuloy akong nanalangin na bumalik ka. Kahit ang ina mo ay patuloy ring nangulila sa'yo. Naku bata ka bakit ngayon ka lang bumalik." Lumuluhang hinawakan nito ang aking pisnge at kahit ako man ay nasisiyahan na makita ito sapagkat naaalala ko na noon ay ito ang tumatayong pangalawang ina ko at ito lagi ang sumasama sakin lalo na sa mga contest na sinasalinan ko.

"Pasensya na kung ngayon lang ako manang na miss kita." Tumango ito at pinunasan nito ang luha nito saka ngumiti ng malapad at nagsisimula na itong hilahin ako papunta sa direksyon ng gate ng mansion sa lugar na pinapangambahan kong puntahan.

"Alam mo ba? Kanina ko pa napapansin yang kotse mo rito sa labas kaya nga nilapitan na talaga kita baka kasi isa ka din sa mga panauhin at nahihiya lang pumasok. Pero ikaw pala iyan ija. Naku tiyak sasaya sila kapag nakita ka." Alanganin ako napatawa at napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto rin ito at tinignan ako na tila nagtatanong kung bakit ako huminto. Kaya napabuntong hininga ako. Hindi ko pa ata kaya. Hindi ko muna sila haharapin, mukhang mali kasi itong ginagawa ko.

Knife That Cuts DeepMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon