53

6.5K 151 25
                                        

Nanatili lamang akong gising at binabantayan ang aking kapatid.

Hindi ko rin kasi magawamg makatulog dahil baka kasi ano mang oras ay magising ito kaya kailangan parati akong handa

Napabuntong-hininga ako at
Napatingin ako sa kisame thinking about the events na nangyari ngayong araw.

Pero sa aking pananahimik ay bigla ko na lang narinig ang isang ingay o isang mahinang ungol na nagmumula sa aking kapatid kaya agad ko itong nilapitan. Doon ko nakita na pabaling baling ang ulo nito at nakakunot ang noo habang nakapikit saka parang pawis na pawis rin ito

"H-Hinde... h-h-wag..." Nanlaki ang aking mga mata nang dumaing ito at tila nasasaktan shit what is happening? Wala naman ata itong nararamdam na masakit diba? Kaya I'm sure that she's having a bad dream. At mukhang nasasaktan ito sa kaniyang panaginip

"W-Wag t-tulong !!" At mas kinabahan ako dahil ngayon ay mas lumakas na ang daing nito at nakita ko ring may mga luhang dumadaloy na mula sa kaniyang mga mata kaya nag-alala na ako at agad kong sinubukan ito gisingin gamit ng patapik sa pisnge nito and moving her shoulders.

"Xianne! Xianne gising! Binabangungot ka lang. Xianne".. Sigaw ako ng sigaw dito at tinapik tapik ko ito

"Xianne! "

"No!!" hanggang sa bigla itong bumalikwas ng bangon habang habol habol ang hininga nito

"Xianne?" Tawag ko rito kaya bumaling ang tingin nito sa'kin at nang makita nito ako ay napaluha ito saka agad ako nitong niyakap..

"A-Arianne! Nandito k-ka hindi m-mo ko iniwan."  Napahawak ako sa likod nito habang tumatakbo sa isip ko kung anong nangyayari? At kung bakit ganito na lang ang naging reaction nito.

"Xianne oo nandito lang ako..Teka okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo." Tanong ko rito at inilayo muna ito mula sa pagkakayakap sa'kin at saka ko sinubukan suriin ang katawan nito hanggang sa magtama muli ang mga mata namin kaya nakita ko kung paano lumarawan sa mga mata nito ang madami at naghahalo halong emosyon, gulat, pagkalito at saya pero binalewala ko iyon at basta ko na lang itinaas kamay ko at pinunasan ko ang luha sa gilid ng mga mata nito.

"A-Andito ka lang? Hindi mo ba ako iiwan?" I sighed saka ko hinaplos ang buhok nito.

"Hindi ako aalis Xianne. Andito lang ako dahil kapatid kita." naguguluhang hinawakan nito ang aking kamay at tila may iniisip ito.

"Diba galit ka? Dahil inagaw ko ang anak mo? P-Pero Arriane hindi naman totoo iyon diba? Anak ko si Gearo diba a-anak ko siya at lahat ng ito ay isang panaginip lamang o isang bangungot na parehong maghahatid ng hindi maganda sa pamilya natin. K-Kaya hywag ka maniwala Arriane.. Wag na wag..." Ramdam ko ang takot nito at nasasaktan ako dahil alam kong napamahal ito sa anak ko dahil sobra nitong minahal na ang batang inakala nitong sa kaniya nanggaling.

At alam kong masakit sa kaniya na malaman na lahat ay pawang kasinungalingan lamang.

"X-Xiannez I know na ang hirap paniwalaan ang mga nangyayari pero hindi panaginip ang lahat dahil pareho tayong nasaktan. Pareho tayong nawalan pero hindi naman iyon rason para tumigil tayo sa paglaban d-diba? at X-Xianne alam kong ang tagal kitang hindi napakinggan, ang tagal kong nagbulagbulagan pero ngayon X-Xianne handa kitang pakinggan dahil kambal kita and I want to do what I promised and that's to protect you, w-we will fix this." Napahikbi ito at napahawak sa aking balikat habang pinipilit na tignan ang aking mga mata kung nagsasabi ako ng totoo, pero ngayon desidido na ako gagawin ko ang nararapat gawin bilang isang kapatid.

"K-Kung lahat t-totoo ibig bang sabihin hindi ko anak si Gearo? At talaga bang mali ang batang inalagaan ko? P-Pero ang anak ko..." Napalunok ako dahil pareho kaming nasasaktan.

Knife That Cuts DeepMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon