38

6.5K 161 16
                                        

Aphrodite POV


Nakakailang ang nakakabinging katahimikan na maririnig sa loob ng dinning area at ramdam na ramdam kong nasa akin nakatutok ang kanilang mga tingin na tila binabantayan ang bawat kilos ko.

"Anak ito gumawa ako ng paborito mong leche flan." masayang sambit ng aking ina at nilagyan na naman ng pagkain ang aking pinggan at pansin kong kanina pa pala nito iyon ginagawa kaya halos mapuno na nga ang plato ko sa mga pagkain na nilalagay nito ngunit parang wala akong ganang kainin 'yon kahit na paborito ko pa ang mga ito dahil na rin sa mga taong walang humpay ang kakatingin sakin na parang isa akong estranghero na anumang oras ay makakagawa ng mali.

"Raven ikaw ba ang nagpapunta sa kaniya?" Napalunok ako nang marinig ko ang tanong ni Cane, oo nga pala bakit ba ako pumunta rito kung hindi naman ako imbitado

"Cane hindi ko alam basta ang alam ko masaya ako ngayon dahil bumalik na ang anak ko. Sana naman maging masaya rin kayo sakin dahil alam niyo naman na matagal ko itong pinangarap na mangyari ang muling ang mabuo ang aming pamilya." Nakayuko lang ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi nito at naiinis ako na dahil ako ang dahilan kaya ang masayang party nila kanina ay naging tahimik at napuno ng galit.

"Pero Raven hindi natin alam ang sadya niyan kaya pumunta yan dito. Isa pa ang huli nating pagkikita ay nagawa ka niyan ipagtabuyan dahil hindi ka na niyan kinikilalang ina." Napalunok ako muli dahil alam kong ako 'yung may mali kaya naiisip nilang kaya kong saktan muli ang aking ina saka simula pa lang alam ko nang hindi magiging maayos ang pagpunta ko rito alam kong hindi nila ako tatanggapin ng may ngiti sa labi at bukas ang dalawang bisig pero dahil isa akong babae na puro pagbabakasakali ang alam ay ito ang napapala ko.

Napabuntong-hininga ako at kasabay non ay naramdaman kong may tila malaking kamay ang pumalibot sa kamay kong kanina pang nakakuyom at hindi ko na kailangan pang tignan kung sino ang gumawa no'n dahil sa epekto pa lang na binibigay ng mainit nitong kamay sa akin ay hindi na maitatanggi na si Neon lang ang natatanging may kayang gawin 'yon. Ngunit mali itong ginagawa niya.

Ayokong isipin niyang na sapamamagitan ng pagsuporta niya sakin ay magiging okay na ang lahat sa pagitan namin.

Kaya kahit sobrang nakakakalma ang ginagawa nito ay ako na mismo ang nagpatigil sa ginagawa nito.

Hinawakan ko ang kamay nito at inalis iyon sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Cane alam kong hindi sinasadya ng anak ko ang ginawa niya kaya nga bumalik siya sa'min ngayon diba?" Narinig kong tila nanghihina na ang boses ng aking ina. Kaya napalabi ako anong gagawin ko? Mukhang mas sinaktan ko lang ito sa ginawa kong pagpunta rito.

"Raven kahit anong gawin mo! Hindi na mababago na ang babaeng nasa tabi mo ngayon at sinasabi mong anak ay hindi na kapareho ng batang inalagaan mo! She already changed dahil lang sa mga dahilan na walang kwenta!" Nanginginig ang aking labi nang marinig ko na ang boses ng aking ama.

Tama nga talaga na kahit anong mangyari ay may galit pa rin ito sakin. At iniisip niya na isa pa rin akong walang kwentang anak na puro walang kwentang bagay lang ang ginagawa saka isang babaeng tinalikuran sila ng walang matinding dahilan.

"Anak mo siya Roux! At sa'tin pa rin siya nangaling! Ako ang nagluwal sa kaniya at nakasama ko siya hanggang sa paglaki niya at hindi ko siya tatalikuran. Kung kaya mo 'yon gawin edi hindi ikaw ang lalaking pinakasalan ko dahil ang lalaking pinakasalan ko ay nangakong proprotektahan kami at ang aming magiging anak!" Natahimik ang lahat sa sinabi ng aking ina at nakita kong bumakas ang kalungkutan sa mga mata ng aking ama habang nakatingin sa aking ina at nang gumawi sakin ang mga tingin nito ay agad din nagbago ang emosyon na nakalarawan sa mga mata nito at naging galit.

Knife That Cuts DeepMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon