Rosas

335 8 0
                                    

Ginawa ko to nung nainspire ako sa I Love You Since 1892, yung part na balak nyang bigyan ng chance ni Carmela si Leandro nong nasa garden of flowers sila hehheh

Btw this is dedicated to
Blessed Mira Balmes Ebreo
-----------------------------------------------------------

Hawak ang isang rosas ng mahigpit
Habang humahampas ang hangin
Hindi ko gustong liparin
Ngunit di na kaya ang sakit

Ang pagbitiw kung minsan
Ay simbolo ng pagkapit
At ang pagpapalaya naman
Ay simbolo ng paglapit

Hayaang makawala
Hayaang malaglag
Hayaan malanta
Magkaroon ng bagong bunga

Ngunit sa pagbalik ng oras
At muli nitong pagdaloy
May mga bagay, hanggang sa wakas
Hindi maaaring magpatuloy.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon