Hangin

308 9 0
                                    

Dedicated to Ate Alyza Joice San Marcos Biluan happy reading heheheh
-

------------------------------------------------------------

Nandiyan ka ngunit parang hindi
Ramdam kita sa bawat paglabi
Sa pagdaan ko'y siyang pagdaan mo rin
Sa pagtulog ko'y huling kapiling

Nakakalula ang layo
'Sing imposible ng tayo
Ngunit gaano ko man isipin
Kay layo mo pa rin
Sigaw ng aking pusong
Lubos na naninimdim

"Kailan ma'y hindi ako nawala"
Bulong sa bawat pagihip
"Ikaw lamang ang nagsasawalang bahala"
Laman ng bawat panaginip

Abo ng iyong alaala sa himpapawid
Dulot ay lumbay sa aking damdamin
Mahal ko hintayin ang aking pagtawid
Alay ko sayo aking bawat hiling

Sa iyo na hindi nakikita
Sa iyo na di ko kasama
Sa iyo na tangi kong panalangin
Mahal ko ikaw ay hangin.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon