Wala na

369 5 2
                                    

Wala na sa akin ang dating sa akin
Sa iyo na at malayo na rin
Wala na sa akin ang dating sa akin
Masakit pala sana'y pinahalagahan ko rin

Akala ko hindi ka mawawala
Kaya't pinabayaan kita sa iba
Hindi alintana ang sayo'y nakapaligid
Dahil ako ay palagay sa iyong pag-ibig

Ngunit pag-ibig mo pala ay gaya ng isang bulaklak
 Kung hnindi alagaan, nawawalan ng halimuyak
Ang nauuna ay di laging panguna
At minsan kahit dalawa parang nagiisa

Noong nandyan ka, hindi kita pinahalagahan
Inabuso ang iyong pananatili, Ikaw ay napabayaan
Dahil akala ko sa pagpili, ano pa mang mangyari, ako ang magwawagi

Pangarap ka ng iba
Realidad kita
Bakit ba di ko noon napansin?
Kay saklap namang isipin
Ang dating akin na pinapangarap niya
Ay sya ng aking pangarap
At realidad naman sa kaniya

                                                 Dahil, wala na sa akin ang dating sa akin
                                                                  Sa iyo na at malayo na rin
                                                        Wala na sa akin ang dating sa akin
                                                Masakit pala sana'y pinanghawakan ko rin.

Sa isang ngiti itinatago kong pilit
Ang daan daang pakiramdam
Samantalang libo libong sakit
Sa aking mata'y humihilam

Marami akong pagkukulang
At alam kong ako'y mayabang
Ako rin ay pabaya
Napanatag ako kaya
Until-unting nawawala
Ang lahat sa akin
Until-unting bumaba
At tinatangay ng hangin
Until-unting nalalaglag
Sa sarili kong hukay
Sapagkat ako'y naging bulag
At panatag sa 'king buhay

Kaya't, wala na sa akin ang dating sa akin
Sa iyo na at malayo na rin
Wala na sa akin ang dating sa akin
Masakit pala sana'y iningatan ko rin.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon