Sayang

325 5 0
                                    

Sayang na pagkakataon
Bagay na sana ginawa ko noon
Di na mababalik
Naglahong mga halik
Sa sayaw na dapat
Sa ating dalwa
Sa gitna ng dagat ng mata
At sa ilalim ng mga bituin
Katabi ng buwan
Bilog buo gaya mo
Gaya ko gaya ng tayo

Ngunit sa pagsapit ng hating gabi
Na hudyat ng bagong araw
Ito ay nag laho sa ating alaala
Panibagong simula
Panibagong pagsubok
Panibagong ako na wala ng ikaw
Panibagong pagibig
Ngunit hindi na sa atin

Pagkat lumipas na ang ating panahon
At nasayang lang ang bawat pagkakataon
Inakala ko na tayo na
Ngunit nabulagan lang pala
Dahil nakikita ng mata
Ang gusto nitong makita
Pinaniniwalaan ng isip ang gusto nitong isipin
At pilit na pinipili ng puso
Ang kanyang gusto
Kahit mali
Kahit hindi na tama
Kahit maraming masasaktan
Maging masaya lamang
At ang irog ay mahagkan

 Ako ay mangmang sa pagibig
Araw araw ay bagong pakiramdam
Lumalabas ang mga emosyong
Di ko inakalang nakatago
Payo ng isip ay binabaluktot,
Katotohanan
Ay pinabubulaaanan
At ikaw ang syang tangi kong nakikita
Ikaw lang ang mahalaga
Kahit pa ngayon ikaw ay
nakatingin na sa iba.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon