CHAPTER 8:Vipers

1.6K 53 5
                                    

Ren's POV

We are walking on the hallway when Matt approach us with a serious face.

"Ethan may sasabihin ako sayo." sabi niya na parang importante ang sasabihin. Kaya nagpaalam na si AC

"Ahm Ren mauna na ko sa room. Bye"

Nang makapag paalam na si AC ay pumunta na kami sa tambayan. At doon nag usap.

"So what's the news?" tanong ko kay Matt.

"They are back." sabi niya na parang galit.

"The who?" tanong ko ulit.

"Vipers." sagot niya naman

"Those jerks." sabi ko naman.

Vipers are our biggest enemy. Natalo na nami sila noon sa isang away at halos lahat sila ay sugatan at tatlo lang ang nakatakas sa kanila. Yung leader at yung dalawa niyang mga asungot na sina Nathaniel David at Mark.

"Nakita ko sila kahapon nakatakip ang mukha pero nakita ko ang mga tattoo nila at sigurado akong sila yun." sabi ni Matt na galit parin.

"Ano bang gusto ng mga gagong yun?"sabi ko rin "Gusto na naman ba nilang magpabugbug?" pagpapatuloy ko sa sinasabi ko.

"Maghanda nalang tayo sa pwede nilang gawin. Kahit na alam natin na marami sila." sabi naman ni Blake

"Oo tama nga si Blake kailangan nating maghanda para sa. Mga maaari nilang gawin." sabi naman ni Mike.

"Hindi natin alam kung bakit sila bumalik pero pag hahandaan natin yan." sabi naman ni Kurt.

Habang nag uusap kami ay may nagtext naman sakin. At ng tignan ko ito ay si Troy. Nakita ko rin ang text ni AC kanina pa pero hindi ko an siya nireplayan at yung mga misscall niya baka kasi mag alala pa yun kung sasabihin ko yung totoo.

From:Troy
Nagbalik na talaga ang mga Vipers at may natagpuan kaming bangkay dito sa may gubat malapit sa tulay. At may marka itong nagpapatunay na siya ay biktima ng Vipers.

Si Troy ay hindi kasali sa Clashers pero siya at ang iba pa niyang kasamahan ay tinutulungan nila kami sa mga gang fight kumbaga Sub Clashers lang sila. Sila yung taga back up namin pag may kailangan kami.

Hindi na ako nagreply at nagmadali na lang akong tumayo at niyaya ng mga kasama ko.

"May pupuntahan tayo bilis." sabi ko sa kanila at lumabas na ng tambayan. Nakita ko naman si AC na papunta sa Gym. Kaya di ko nalang siya nilapitan.

Habang nasa sasakyan kami ay iniisip ko kung bakit bumalik pa ang mga mokong na yun.

Ano kayang kailangan nila samin. At ano kaya ang dahilan kung bakit sila bumalik.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Kurt na nasa likod.

"Pupuntahan natin si Troy may nakita daw silang bangkay at may sign na Vipers ang gumawa." sagot ko naman habang nag dadrive.

Malayo ang lugar kaya nagsalitan nalang kami sa pag dadrive. Pagkatapos ko ay si Matt naman ang sumunod pagkatapos ay si Kurt, Mike at si Blake ako nalang ulit ang nagdrive ng malapit na kami.

Ng makarating kami ay agad naming tinignan ang bangkay na nadoon. Masasabi kong isa siyang nerd dahil sa suot niya at sa salamin niyang nasa sahig.

"Matatakot na sana ako kaso nerd parin pala ang mga kaya nila" sabi ni Mike na mukhang natatawa.

"Ganyan lang ba ang mga kaya nilang bugbugin?" tanong naman ni Kurt na natatawa na.

Tinignan ko ng mabuti ang bangkay at tinignan din ito ni Blake.

"May marka siya ng mga Pako sa kamay na may nakapulupot na ahas. Totoo ngang gawa ito ng mga Vipers." sabi naman ni Blake. Salamat at meron kaming barkada na matalino.

"Umuwi na tayo 4:00 pm na. Baka magabihan tayo" sabi naman ni Matt. Kaya nagpunta na kami sa sasakyan at nagtungo narin sina Troy sa sarili nilang sasakyan at umalis na rin.

Nung maihatid ko na sila ay umuwi na ako agad. Ng mejo malapit na ako sa village namin ay may humarang sakin na tatlong lalaki at may hawak na tubo. Sakto namang may dala akong beseball bat ay hindi pala sakto dahil lagi ko tong dinadala.

Hahampasin na sana nila ang harapan ng kotse ko pero natigilan sila ng lumabas ako.

"Anong kailangan niyo" mahinahong tanong ko sa kanila. At nakatago sa likod ko ang baseball bat.

"Gusto lang naming sirain ang pag mumukha mo" maangas na sabi nung isang lalaki. Agad ko namang nakita ang simbolo ng Vipers sa leeg niya.

"Kung ako sa inyo umuwi nalang kayo." mahinahon ko paring sabi.

"Hindi kami uuwi hanggat hindi nasisira ang mukha mo" maangas naman na sabi nung isa pang lalaki.

"Ah ganon?" tanong ko habang naka taas ang isang gilid ng labi ko.

"Oo ganon nga!" sabi naman nung lalaki. 

Nung hindi na ako makapag pigil ay sinugod ko na sila at napuruhan ko naman yung isa sa tyan. Sinubukan nilang ipalo sakin yung tubo pero mabilis ko itong nailagan at ipinalo ko sa binti niya ang baseball bat na dala ko. 

Ngayon yung isa nalang ang natitira.  Pero nung ipapalo ko na sana ay tumayo ang dalawa kong napuruhan kanina at hinawakan ako sa braso at pinalo ako ng lalaki sa tagiliran ng tatlong beses tsaka ako sinuntok  kaya nalasahan ko na ang dugo sa labi ko na pumutok at sinuntok pa niya ako ng isang beses kaya hindi na ako nakapag timpi nagpumiglas ako sa may hawak sakin at nung binitawan nila ako ay pinagsusuntok at pinagsisipa ko sila kaya namilipit silang tatlo.

Pumasok na ako sa sasakyan at pilit na nagdrive kahit na masakit ang katawan ko. Nagdrive hindi pauwi kundi papunta sa bahay nila AC.

Ng makarating na ako ay nag busina muna ako at nakita ko naman si Yaya Linda na buminuksan ang gate. At inalalayan ako papasok.

"Nako balong anong nagyari sayo? " tanong niya at pinasok nako sa loob ng bahay nila AC. Hindi nalang ako sumagot.

"Teka lang balong ha tawagin ko si Kate." sabi niya at pumunta sa taas para tawagin si AC.

Nung pababa na siya nakita niya ako sa sofa na naka upo at agad naman siyang lumapit sakin na mukang alalang alala.

"Oh anong nangyari sayo? Bakit ka ganyan? Saan ka galing? Napano ka? " sunod sunod na tanong niya. Hindi ako makakapag sinungaling sa kanya dahil kilalang kilala na niya ako.

"Hinarang ako ng 3 lalaki habang pauwi." sabi ko sa kanya.

"Teka ipapakuha ko lang ang first aid kit kay Yaya Linda. Maghahanda nadin ako ng mainit na tubig at gagamotin na kita." sabi niya bago tumayo at nagtungo sa kusina.

Pagbalik niya ay may dala na siyang isang maliit na balde at kasunod naman niya si Yaya Linda na may dalang bimpo,first aid kit, at ice.

Sinumulan na niya akong gamotin habang salita ng salita. Nanenermon na naman siya.

"Ano ba kasi pinag gagagawa mo?" tanong  niya habang ginagamot ako.

Hindi nalang ako sumagot. Dahil siguradong marami na naman siyang sasabihin.

"Yaya Linda pahanda naman po ng meryenda, pakilabas nalang po yung ice cream jan sa ref." sabi niya kay yaya linda na agad naman niyang sinunod.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon