CHAPTER 85: Hinala

380 16 1
                                    

AC's POV

Dahan dahan kong pinihit ang door knob ng kwarto ko at nakita ko naman siyang naka higa sa kama habang walang damit.

Napalunok naman ako bago pumasok.

It's getting hot in here.

"Ren." tawag ko sa kanya. Wala siyang imik kaya lumapit ako sa kanya.

Naka pikit siya. Tulog na kaya siya?

"Ren." tawag ko ulit sa kanya.

Nahiga ako sa tabi niya at tinawag siya ulit.

"Ren" tawag ko sa kanya.

Nabigla ako ang umibabaw siya sa akin at inilagay ang kamay ko sa taas ng ulo ko.

"Ano yon AC!" sa tono palang ng boses niya alam kong galit siya.

"Ren..." hindi ko pa man natutuloy ang sasabihin ko ng halikan niya ako.

Masakit ang bawat paghalik niya sa akin. Pilit kong iniiwas ang bibig ko sa kanya.

"Ren." mahinang sabi ko at tumigil naman siya.

Tumayo siya at hinilamos ang kamay niya sa kanyang muka.

"Shit!" mura niya.

"Ano yon AC? Bakit naman ganon? Ano bang meron kay Matt?"

Tumayo ako mula sa paglakahiga at lumapit sa kanya.

"Mas masarap ba siyang humalik kesa sa akin? O may iba pa kayong ginawa?"

Dahil sa mga sinabi niya ay hindi ko mapigilang magalit at sinampal siya.

"Ren! Kung ano man ang iniisip mo hindi yon nangyari! Walang nangyari sa amin! Ganyan na ba kadumi ang tingin mo sa akin ha? Kahit kelan hinding hindi mangyayari ang iniisip mo!" sabi ko na halos maluha na.

Hindi ko alam na ganyan pala ang iniisip niya sa akin.

Hindi pa man ako nakakalayo ay hinawakan na niya ang braso ko. At hinila palapit sa kanya.

"I'm sorry! Nagseselos lang ako kapag magkasama kayo."

Sabi niya at niyakap ako. Hindi ko naman mapigilan ang maiyak.

Hindi ko akalain na ganon ang tingin niya sakin.

"Aasikasuhin ko muna sila doon." sabi ko at itinulak siya para tanggalin ang pagkakayakap niya sa akin.

Pinunas ko ang luha ko at inayos ang sarili bago bumaba at pumunta sa kusina.

Nadatnan ko naman sina Kurt na kumakain.

"Magluto nalang kayo kung kulang yan ha." sabi ko at nagtungo sa ref para kumuha ng maiinom.

"Ok na ba kayo?" tanong ni Kurt.

Hindi lang ako nagsalita at nagtungo sa sala para manood.

Nakita ko naman si Ren na pababa sa hagdan.

Kumikirot ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil ito sa mga sinabi niya.

Napatingin naman siya sa akin kaya ibinalik ko ang tingin sa pinapanood ko.

Ilang minuto lang ay nagpasya akong pumunta na sa kwarto habang kumakain sila.

Sana nandito ka Blake para may mapagtanungan ako kung anong dapat kong gawin.

Nahiga ako at hindi parin ako maka tulog.

Ilang minuto lang ay narinig kong bumukas yung pinto at sunod ko namang narinig ang pagbukas ng pinto ng CR at ilang sandali ay narinig ko ang shower na bumukas.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon