CHAPTER 28: Bitter

1.3K 43 0
                                    

AC's POV

Hay monday na naman. Ginawa ko na ang morning rituals ko and nagbihis lang ako ng uniform at bumaba na. Bumungad naman agad sakin ang amoy ng pancakes na niluluto ni Mama kaya agad akong pumwesto sa lamesa at kumuha ng makakain.

"Good morning Ma!" bati ko kay Mama na may dalang pancake.

"Good morning Kate." bati rin niya at nilapag na sa lamesa ang langit ay este pancake.

"Ma sabay nalang ako kay Kuya pumasok." agad kong sabi.

"Ha?! Bakit? Hindi ka ba susunduin ni Ethan ngayon?" takang tanong niya. Sabi na nga ba eh mabibigla eh.

"Hindi na Ma kay kuya nalang ako sasabay tutal naman nadadaanan niya rin lang naman yung school ko so sasabay nalang ako." pagpapaliwanag ko. Ma maniwala ka naman kahit ngayon lang please.

"Hindi ba dadaan si Ethan dito? " tanong niya ulit. Ma naman eh.

"Di ko alam ma. Sasabay nalang ako kay kuya." pagpipilit ko kay mama.

"Ok. He's awake already he's just taking a bath wait for him." sabi naman ni Mama.

Kumain nalang ako at hinintay si kuya na bumaba. Ilang minuto pa ay bumaba na din sa wakas si kuya na naka office uniform.

"You look good in that suit kuya." bungad ko sa kanya.

"Thanks. Bat di ka pa pumapasok? " tanong niya. Ayan na naman tayo sa mga tanong eh. Di matapos tapos na tanong ah.

"Sasabay ako sayo." bored kong sagot.

"Bakit?" tanong niya ulit.

"Ano ba kuya isasabay mo ba ako o ako ang magsasabay sayo? " inis kong sambit.

"Ako nalang ang magsasabay sayo. Ano ka sinuswerte? You're just 17 and you can't drive. Ibabangga mo pa kotse ko." natatawang sambit niya.

"Tara na nga baka malate pa ko." pagyayaya ko sa kanya at lumabas na ng bahay.

Nagdrive lang si kuya papunta sa school at habang nasa byahe kami ay hindi kami nag uusap. Kaya naman bigla ko nalang siyang tinanong.

"Kuya kamusta na kayo ni ate Jasmine?" bigla kong tanong.

"We're ok. Still strong and going stonger." sagot niya habang naka tingin sa daan.

Hindi nalang ako sumagot at umupo nalang ng tahimik. Nang makarating na kami sa School ay bumaba na ako sa tapat ng gate. Mejo marami na palang tao.

"Bye kuya." pagpapaalam ko kay kuya pagkababa ko.

"Wala munang boyfriend boyfriend ha." pagpapa alala ni kuya. Kuya talaga ilang beses na nyang sinabi yan ah.

"Yup." sabi ko at pumasok na.

Pagpasok na pagpasok ko palang ay ang daming taong nagkukumpulan ang lumapit sakin.

"Oh my god ang ganda mo talaga."
"Papicture please"
"Ganito pala kaganda ang muka mo sa malapitan"
"Oh my gosh you're so gorgeous"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko galing sa mga taong nagkukumpulan sa paligid ko. Paano ako makakalabas dito? Baka malate ako sa first subject ko neto.

Halos di na ako makahinga sa dami ng mga taong nasa paligid ko ngayon ng biglang may humatak sakin palabas doon sa mga taong napakarami.

Dinala ako ng taong humatak sakin sa may likod ng classroom at doon ko nakita ang mukha ng taong yun.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon