CHAPTER 100: Ending?

357 14 1
                                    

Matt's POV

Bumalik ako sa silid kung nasaan si Kate at nakita ko naman siyang natutulog sa foam na dinala ng mga kasamahan ni Angel  dito.

"Wag kang mag alala ilalabas kita dito." sabi ko sa kanya at hinaplos ang buhok.

"Hindi kami tanga Matthew Rivera para magpabilog sayo. Ngayon sinong mas tanga sa ating dalawa?" sabi ni Angel at naramdaman ko naman na may naka tutok sa akin na baril.

Humarap ako sa kanila at nakita ko ang apat sa mga kasamahan niya na nakatutok ang baril sa akin.

Naramdaman ko nalang na may tumusok sa leeg ko kaya nandilim ang paningin ko at nawalan ng malay.

Mula doon ay wala na akong naalala pang mga nangyari.

"Matt. Gumising ka!" sabi ng isang boses habang niyuyogyog ako. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko nalang na nakagapos na ang mga paa ko parin narin ang kamay ko.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Kate.

"Itinali ka nila dito. Ano bang nangyari?" tanong niya sa akin.

"Nakatunog yata sila sa plano. Sana nakapasok sina Blake para iligtas tayo dito." sagot ko.

Ilang sandi lang ay may biglang pumasok sa pintuan.

"Blake? Kurt? Mike?" tanong ko ng makita silang tatlo na nakatali ang mga kamay.

"Sa susunod bumuo naman kayo ng mas magandang plano. Halata kayo masyado." sabi ni Angel at itinulak naman ng mga kasamahan nila sina Blake papunta sa amin.

"Blake anong nangyari?" tanong ko ng kaka upo sila.

"Habang papasok kami nahuli nila kami. Tapos tinutukan kami ng baril. Lumaban naman kami pero marami talaga sila."

"Ngayon yung ibang Clashers nalang ang pag asa nating makalabas dito." sabi naman ni Kurt.

"Pumutok pa yung labi ko sa suntukan." sabat ni Mike.

"Si Ren? Bakit hindi niyo siya kasama?" tanong naman ni Kate.

"Sigurado ako darating yon para hanapin ka. Kilala ko siya. Maghanda nalang tayo dahil ano mang oras darating yon. Kilala niyo naman siya pag sobrang galit. Walang sinasanto." tanging nasabi ko nalang.

"Matt pakipindot mo yang yung nasa bracelet ko." wala sa sarili niyang sabi.

"Paraa saan to?" tanong ko naman.

"Ano kasi yan partner yan ng sasakyan na ireregalo ko kay Ren. Eh nandoon pa sa garage ni Ethan baka sakaling alam niya na emergency pag tumunog yung sasakyan." pagpapaliwanag niya.

"Bakit? Para saan? Kahit naman malaman niyang emergency hindi din naman niya alam kung nasaan tayo." wika ni Blake.

"Oo nga. Wala hindi din naman niya malalaman." sabi ni naman ni Mike

"May tracking device yon. Makikita sa kotse kung nasaan yung bracelet." pagpapaliwanag ni Kate.

Wala na akong nagawa kundi ang pintudin ang nasa bracelet niya. Kahit walang mangyari at least nagtry kaming humingi ng tulong.

Wala din namang mawawala kung susubukan namin eh.

At Ethan nasaan ka na ba kasi? Kailangan ka ng mapapangasawa mo! Alam kong darating ka. Pero bilisan mo lang kasi wala kaming alam kung hanggang kailan to.

Wala din naman kaming magagawa dahil lahat kami nakatali ang mga kamay at paa. Hindi kami makakatas basta basta dito lalo na si Kate alam kong nanghihina na siya kaya Ethan bilisan mo na.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon