CHAPTER 84: Awkward

357 16 2
                                    

AC's POV

Ano bang problema ng Pikachu na to?  Tawag ng tawag.

Ilang minuto na ang naka lipas at naka upo parin ako dito sa balcony.

Habang tinitignan ko ang langit ay biglang tumunog yung phone ko. Hindi na ako nag abalang tignan pa kung sino ang tumatawag dahil alam kong si Pikachu na naman to.

"Hello? Oh ano na naman? Hindi ako lumabas nandito lang ako sa bahay! Ano pang sasabihin mo?"

[Kate.]

"Matt?"

[Kate.. Pwede bang gamotin mo yung ahhhh]

"Hoy anong nangyayari? Nasaan ka?"

[Nandito ako sa labas ng village niyo.]

"Teka pumunta ka na dito. Hihintayin kita sa baba."

Anong bang nangyari? Bakit siya sumisigaw?

Ilang mintuo pa ay may sasakyan ng bumusina sa at agad ko namang binuksan ang gate at nakita ko si Matt na puro pasa?

"What the heck happened? Bakit ganyan yang mukha mo? Anong nangyari?"

"May bumugbog sakin. Vipers yata." sabi niya habang inaalalayan ko siya papasok sa bahay.

"Umupo ka muna jan. Kukuha lang ako ng panggamot sa mga sugat mo."

Kinuha ko lang yung first aid kit at kumuha ng bimpo at ice pack.

"Anong ba kasing ginawa mo? Saan ka ba kasi nagpunta?"

"Sa bar."

"Nakipag away ka ba? Lasing ka na naman kasi Matt ano bang nangyayari sayo?"

"Hindi ako nakipag away. Tsaka hindi ako lasing. Naka inom lang ako."

"Alam mo buti nalang tulog na sina Mama kundi lagot ka talaga. Sino ba ang bumogbog sayo kasi?"

"Vipers yata."

"Sisisihin ko pa yang kalaban niyo sa Gang. Malay mo hindi naman sila yon. Yan kasi mag iiinom ka tapos hindi mo naman pala kaya. Ang lakas pa ng loob mong maipag away!"

"Unang una sa lahat. I'm not drunk, second of all hindi ako nakipag away and lastly gamotin mo nalang yung mga sugat ko. Para maka uwi na ako."

"Alam mo may gana ka pa talagang gumanyan! Wag ka ng umuwi. Matulog ka na dito sa bahay. Baka kung ano pa mangyari sayo."

"Hindi uuwi ako."

"Ang tigas ng ulo mo Matt! Pwede bang makinig ka muna sakin? Kahit ngayon lang. Please naman Matt ayusin ko naman yang buhay mo. Tigilan mo na yang kaiinom mo! Mamatay ka ng maaga sa ginagawa mo eh!" inis kong sabi sa kanya.

Pano ba naman kasi ang tigas ng ulo! Di nalang kasi makinig!

Habang ginagamot ko siya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Kate."

"Alam mo ikukuha muna kita ng damit sa taas para makapagpalit ka ang dungis mo!" sabi ko at tumayo at naglakad papunta sa hagdan.

Ayokong may magawa na naman siya. He's drunk. And kontento na ako kay Ren. Ayokong makadagdag sa iniisip niya ngayon.

Nang maka kuha na ako ay bumalik na ulit ako sa sala.

"Eto magpalit ka muna. Kaya mo pa bang tumayo?"

"Kaya ko." sabi niya at nagtungo na sa CR para magpalit.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon