CHAPTER 59:Who?

568 23 0
                                    

AC's POV

Gabi na and iniisip ko parin yung boses na narinig ko kanina. Parang boses ni Ren. Baka paranoid lang talaga ako.

Do I miss him so much that I'm acting like this?

"Kate kumain ka na. Dadating na yung ibang Clashers mamaya at siguradong mahihiya ka lang na makisabay samin mamaya." sabi ni Blake papasok sa kwarto.

"Wait! Bakit ba sila pupunta dito? " tanong ko.

"May pagmimeetingan lang kami tapos dito na sila magistay hanggang February 25." sagot naman niya.

"Pero bakit?" tanong ko ulit.

"Wag nang marami pang tanong kumain ka nalang doon." sabi naman niya.

"Hindi sasabay ako sa inyo mamaya." sabi ko naman.

"Ikaw bahala." sabi niya at lumabas na ng kwarto.

Nahiga na ulit ako at nagpahinga. Habang naka higa ako ay may sumigaw.

"Matt!"

Wait! Ren? Bigla naman akong lumabas ng kwarto at nakita ko naman silang apat sa sala nanonood.

"Hey! May narinig kayo?" tanong ko sa kanila.

"What are you talking about? Paparating palang yung mga kasama natin mamaya dito. You're being paraniod Kate." sagot ni Matt.

"Pero pero narinig ko na tinawag ka niya!" sabi ko naman.

"Walang tumatawag sakin Kate! Ano ka ba?" sabi namam niya.

"Pero sino yung tumawag sakin kaninang umaga ng AC?" tanong ko.

"Ano ka ba Kate ako yun." sagot niya ulit.

"Pero hindi mo naman ako tinatawag na AC ah? And si Ren lang tumatawag sakin non." sagot ko naman.

"Hindi ba pwedeng tawagin ka naming AC? Kate you're being paranoid. Alam ko na alam mong nasa US si Ren kaya wag mo na siyang isipin. If you want tawagan natin siya mamaya para maniwala ka!" sabi ni Blake.

Natahimik ako doon at bumalik ulit sa kwarto.

Miss ko na siguro siya kaya ako nagkakaganito. Pero sino yung narinig ko? O may narinig ba talaga ako?

Nahiga na ulit ako at mga dalawang oras na ang naka lipas at unti unti ng dumadating ang mga kasama nila dito at wala akong kilala ni isa sa kanila kaya nanatili lang ako sa kwarto.

"Kate, halika na dito kumain ka na nandito na silang lahat." tawag sakin ni Blake.

Hindi ako nagsalita at tumayo na pagkatapos ay nagtungo lang ako sa kusina and.... WTF? Andami pala nila?

"Wait! Blake! Clashers lahat to? Bakit parang andami naman? Diba lima lang kayo?" tanong ko.

"Yeah. It's kinda secret!?" sagot naman niya.

"Who is she?"tanong ng isang lalaki.

"Don't you remember her? She came here the last time we had a meeting. She is Ethan's Girlfr-" naputol ang sasabihin niya nang magsalita ako.

"I'm Ethan's friend. Just a friend" sagot ko naman.

"Oh ok. I got to go. " sagot niya at umalis na.

"Blake! Where's Ren? I thought Ren was he-" naputol ang sasabihin ng lalaki ng magsalita si Blake.

"He's busy! Yeah he's busy with his Dad's business." sagot ni Blake. "Mabuti pa kumain na tayo don at mamaya makapagsimula na tayo sa meeting." sagot ulit ni Blake.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon